00:00Sa ibang balita, umabot sa 1,112 na motorista ang naitalang lumabag sa Batas Trapiko
00:07sa unang araw ng muling pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy o NCAP.
00:13Sa tala ng MMDA, karamihan sa mga paglabag ay may kaugnayan sa hindi pagsunod sa mga traffic sign
00:19at ang iligal na pagdaan sa EDSA busway.
00:22Sinabi naman ang ahensya na mas mababa ang bilang na naitala kumpara sa 3,000 violators na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
00:33Nauna ng tiniyak ng MMDA ang patas na pagpataon on traffic violations ng mga motorista.