00:00At bago tayo mag-tungo sa ating talakayan, hingi muna tayo ng update mula sa Department of Justice.
00:07USEC Marge nagkaisa ang DOJ at DENR para mapaigting pa ang Climate or Environment Justice. Ano ba yung ibig sabihin ito?
00:19Tama ka dyan, Asik Trui.
00:21Pinungunahan ng Department of Justice at Department of Environment and Natural Resources o DNR ang isang mahalagang seminar workshop.
00:30Na magpapalakas sa kampanya ng pamahalaan laban sa mga umaabuso sa kalikasan.
00:35Ito ay ginanap noong nakaraang linggo sa isang hotel sa Quezon City bilang bahagi ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng dalawang ahensya na nilagdaan noong February 21, 2025.
00:46Sa magpapalakas sa pag-usig sa mga kasong may kinalaman sa kalikasan, sa pangungunan ni DOJ Undersecretary Jesse Andres,
00:55tinuruan ang mga kalahok sa akswal na paghawak sa mga kasong may kinalaman sa kalikasan at ang wastong proseso sa pagsasampa ng kaso.
01:05Nagsilbing modelo sa proyektong ito ang naging tagumpay ng DOJ laban sa money laundering at terrorism financing para maalis ang ating bansa sa grey list ng Financial Action Task Force.
01:17Ayon kay Prosecutor General Richard Fadulion, malaki ang papel ng pagkakaisa at koordinasyon para matiyak na epektibo at matatag ang criminal justice system sa bansa.
01:29Dumalo rin sa workshop ang ilang DOJ Regional Prosecutors at DNR Regional Executive Directors.
01:37Nanguna naman si Deputy State Prosecutor Margaret V. Padilla, pinuno ng Task Force on Environmental Cases sa pagtalakay sa ilang mga batas na may kinalaman sa kalikasan
01:49gaya ng Forestry Code, Wildlife Resources Conservation and Protection Act, Mining Act, Ecological Solid Waste Management Act, at marami pang iba.
02:00Yusik Marge, may pangako naman ang DOJ sa mga refugee at stateless persons. Sa ano ito?
02:06Ah, seksuwi, tama ka dyan. Pinagtibay ng Department of Justice ang panata ng gobyerno na tulungan at tanggapin sa bansa ang mga refugee, asylum seekers at stateless persons
02:18kasabay ng pagdiliwang ng ikalawang National Refugee Day sa June 20, 2025.
02:25Sa temang Strengthening Spaces of Resilience and Hope, layo ng okasyon na maging instrumento
02:30tungo sa pagkakaisa ng iba't ibang sektor ng lipunan para sa kapakanan ng mga refugee o stateless persons.
02:38Ang mga refugee o stateless persons ay mga taong hindi kinikilala anumang bansa o estado matapos maging biktima ng karahasan,
02:46ah, gyera, political persecution, at iba pang uri ng paglabag sa karapatang pantao.
02:55Kabilang sa mga aktibidad sa National Refugee Day ay ang Blue Monday Solidarity Event, National Refugee Conference,
03:02Refugee Lead Bazaar, Refugee Film Festival, at mga orientation ukol sa local integration at naturalization process.
03:10Sa kanyang talumpati, hinikayat ni DOJ Secretary Jesus Crispin Boyeng C. Remulia
03:16ang mga kapwa-kawaninang gobyerno na makiisa sa pagdiriwang.
03:21Itinatag ang National Refugee Day sa visa ng Proclamation No. 265, Series of 2023.