00:00Unahin natin ang basketball.
00:05Patuloy ang pamamayagpag ng Gilas Pilipinas Youth matapos nitong ilampaso ang Singapore sa score na 101-37
00:13sa nagpapatuloy na FIBA Under-16 Asia Cup Sayaba Qualifiers kagabi sa Brenzi Gyal Convention Center sa San Fernando, Pampanga.
00:23Mula umpisa hanggang sa huli ipinakita ng Batang Gilas ang kanilang dominasyon sa opensa at depensa.
00:29Tinapos ng pambansang kupunan ang laro, hawak ang napakalaking 64-point advantage.
00:35Pinangunahan ni Eva Rain Cruz ang opensa ng Gilas matapos nitong kumamada ng 14 points.
00:42Nagambag naman si Justine Haliare ng 13 puntos at 6 na assist.
00:46Ito na ang ikatlong sunod na panalo ng Gilas Youth, patunay na seryoso sila sa kanilang kampanya para sa Asia Cup.
00:53Magpapahinga muna ang Gilas Youth ngayong Martes bago muling sumabak sa laban sa Merkoles kontra sa kapwa walang talong kupunan ng Indonesia.