00:00Mas marami pa raw nalaman ang Department of Migrant Workers sa maanumalya o manong pagbili ng lupa ng Overseas Workers Welfare Administration na may halagang 1.4 billion pesos.
00:11Kami lang dito ang pagbago raw sa deed of sale ni dating Administrator Arnel Ignacio. May unang balita si JP Soriano.
00:21Handa na ang Department of Migrant Workers na ihabla si dating OWA Administrator Arnel Ignacio.
00:27Kaugnay sa umano'y di-otorizadong pagbili ng lupa sa halagang 1.4 billion pesos.
00:33Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Katdak, marami pang nalaman sa umano'y maanumaliyang proyekto.
00:39Gaya ng pagpaparentaan niya ni Ignacio ng lupang binili.
00:43At tinanong ko sa kanya, nasaan ang upa o rent?
00:48Ang sagot niya ay hiningi pa natin dun sa kolektor ng rent. Sabi ko, sino yung kolektor ng rent?
00:54Yung dating may-ari ng lupa. Sabi ko, bakit? Bakit yung dating may-ari ng lupa?
01:00Nauna ng sinabi ni Ignacio na dumaan sa Technical Working Group ang programang halfway house o dormitoryo para sa mga OFW malapit sa Naiya Terminal 1.
01:09Taliwa sa naunang pahayag ni Katdak na hindi raw nakonsulta ang board tungkol sa pagbili ng lupa na malinaw raw na paglabag sa OWA Charter.
01:18Yung Technical Working Group was after the signing of the deed of sale. At kung nag-umulat ang technical working group sa board, after the signing of the deed of sale, na-establish na hindi dumaan sa board yung deed of sale.
01:31September 2024, pinirmahan umano ni Ignacio ang deed of absolute sale kaugnay sa lupa na nangyari sa parehong buwan.
01:39Sabi ni Katdak, binaguraw ni Ignacio ang nakalagay sa deed of sale na sa halip na magbibenta ng lupa ay OWA na ang magbabayad ng local transfer tax na P36 million pesos.
01:51Aniya, exempted ang OWA sa mga ganitong uri ng buwis.
01:55Sabi namin, anomalya yan, dapat iproduce yung ibalik yung pera na yan at agad naman binalik. But that's right after sinabihan namin.
02:03Isa pang inimbestigahan ng DMW, ang hindi raw pagbanggit ni Ignacio sa board, nagigibain ang mahigit 50 condo units na nakatayo na sa biniling lupa, na anyay labag din sa OWA Charter.
02:16Sinusubukan pa namin kunan ng bagong pahayag si Ignacio kaugnay sa mga sinabi ni Katdak.
02:21Ito ang unang balita, JP Soriano para sa GMA Integrated News.
02:26Gusto mo bang mauna sa mga balita? Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tungutok sa unang balita.
Comments