Skip to playerSkip to main content
Witness the powerful and heartfelt message of President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. as he officially opens Palarong Pambansa 2025. In this inspiring address, the President emphasizes the value of sportsmanship, youth development, and national pride. Watch as he encourages young Filipino athletes to strive for excellence, unity, and resilience both on and off the field. 🇵🇭🏅

#PalarongPambansa2025 #BBM #YouthEmpowerment #TeamPhilippines #SportsForNationBuilding

Category

📚
Learning
Transcript
00:00Una po ako sa lahat, sa lahat ng mga ating atleta, lahat ng ating mga coach, lahat ng ating mga trainer, lahat ng ating mga magulang at mga mahal sa buhay ng ating mga atleta, welcome po sa inyong lahat sa aming ipinagmamalaking probinsya na Ilocos, Norte.
00:19Thank you very much.
00:49Thank you very much.
01:19Isikap kayong tumakbo ng mas mabilis, lumangoy ng mas mabilis at mas mahaba, tumalong ng mas mataas.
01:29Kaya naman, kaming lahat, believe sa inyo, sa inyong galing, sa inyong tibay at sa inyong dedikasyon.
01:36Nakakatiyak ako na kayong lahat, eh, ninanais nyo, gusto nyo na magkaroon ng medal.
01:48Ngunit tandaan ninyo, lahat kayo ay kinikilala ng kampiyon.
01:55Kayo ang pinakamagaling sa inyong paralan.
01:59Kayo ang pinakamagaling sa inyong probinsya.
02:02Kayo ang pinakamagaling sa inyong rehyon.
02:06Magandang halimbawa kayo sa kabataang Pilipino na may pangarap sa buhay at determinasyon upang matupad ito.
02:15Kami naman, sa pamahala, hanggat sa abot ng aming makakaya, ginagawa po namin ang lahat para matulungan kayong maging mahusay na manlalaro.
02:28Ngayong araw, dito sa palarong pambansa, kayo naman ang kasali.
02:34Sa susunod, kayo na ang kinatawan ng Pilipinas sa Asian Games at sa Olympics.
02:40Kaya paghusayan ninyo, pwede kayo meron.
02:47Malay natin, dito sa mga kasama natin na ito, meron dyan na Lilitaw, na Manny Pacquiao, na Haydeline Diaz, na Carlos Yulo, na Ira Villegas, na Nesty Petesio, na EJ Obiena, o Alex Eala.
03:04Si Haydeline, nandito pa tayo, kasama natin dito ngayon.
03:08Idol, Haydeline, mabuhay ka. Malaking ang dangal na dinala mo sa ating minamahal ng bansa.
03:18Tulad nila, ipagpatuloy lang ninyo ang inyong pangarap.
03:23Mag-training araw-araw, mag-aral ng mabuti, sumunod kayo sa inyong mga magulan at alagaan ninyo ang inyong kalusugan.
03:32Ang gobyerno ay laging nasa likod ninyo.
03:36Tutulungan namin kayong maabot ang inyong mga pangarap.
03:41Dahil ang pangalo ninyo, panalo na rin namin.
03:44Pero, higit sa pagkapanalo, mas mahalagang matutunan ninyo ang disiplina, ang halaga ng pagkikipagkaibigan at ang mag-enjoy naman sa inyong favorite sport, manalo man o matalo.
04:03But, tandaan ninyo, ang taong lumalaban, hindi natatalo.
04:09Losers are those who fail to try.
04:14Winners are those who try.
04:17And maybe they fail, but then they try again.
04:21And do not stop trying until they win and succeed.
04:26Kaya, napakahalaga ng papel ng mga magulang ninyo, mga guru, mga coach, na nagbibigay sa inyo ng payo at pagmamahal sa bawat hamon na inyong hinaharap.
04:41Binibigyang pugay ko rin ang inyong mga magulang, ang mga lolo, ang mga lola, ninong, ninang, tiyuhin, tiyahin, at lahat ng gumabay sa inyo.
04:52Nag-ambag sila ng oras, pera, at panalangin upang suportahan ang inyong pangarap.
05:00Kaya't bago tayo magtapos, naayos kong pasalamatan ang lahat ng tumulong na maisakatuparan ang palarong ito.
05:11At ngayon, sa visa ng kapangyarihan ni Pinagkaloob sa akin bilang Pangulo ng Republika ng Pilipinas,
05:19Oficial kong, idinidiklara ang pagbubukas ng palarong pambansa para sa 2025.
05:31Maraming salamat. Mabuhay ang mga atleta. Mabuhay ang bagong Pilipinas.
Comments

Recommended