Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Uuwi na dapat ang pasaherong 16 anos sa babae galing sa kanyang part-time job
00:05pero idiniretso siya ng sinakyan tricycle driver sa isang hotel sa Antipolo Rizal.
00:10May unang balita si Bea Pinlak.
00:15Sumakay ng tricycle sa kahabaan ng Marcos Highway sa Antipolo City ang 16 anos na babaeng ito.
00:22Tauwi na sana siya galing sa part-time job niya bilang waitress sa isang restaurant.
00:26Kasi nga po, madaling araw na po yun.
00:28Sabi niya po sa akin may naiwanan daw po siya.
00:32Nagtaka na raw ang biktima nang biglang mag-uter ng tricycle.
00:35Imbis na sa bahay ihati ng dalaga, sa isang hotel siya idinidiretso ng tricycle driver.
00:41Sabi ko po sa kanya, kaya ibabamon na lang po ako dito kasi hindi naman po ako dito nagpapadali.
00:48Tapos ang ginawa niya naman po, binilisan niya po lalo yung takbo.
00:53Yung takbo ng tricycle niya.
00:54Tapos sinatatakot na po ako noon kasi po hindi ko na po alam ang gagawin ko.
00:59Nahinto sila doon sa isang hotel na ipapasok sana siya doon para mag-check-in siguro.
01:07Kaso itong biktima nagpapalag.
01:10Ayon sa barangay, unang pumasok sa hotel ang lalaki at nag-abot pa ng pera sa kahera sa front desk.
01:16Maya-maya, binalikan na niyang babae sa labas.
01:19Hinawak-hawakan pa ng tricycle driver ang biktima at inakbayan.
01:24Tapos sinabi niya po po sa akin na ihahatid niya lang daw po ako pagkatapos.
01:32Natakot na po ako din.
01:33Nihihila niya po ako.
01:35Tapos pumasok po kami din sa hotel kasi nangihihipo sana ako ng tulong kasulat at takot po ako sa kanya.
01:42Ayon sa barangay, kasintahan ng menor de edad ang pakilala ng tricycle driver sa kahera na itinanggi ng biktima.
01:49Pilit tinatanggi na hindi at hindi talaga niya kilala yung taong yun.
01:54Kaya nagtaka talaga yung cashier ng motel.
01:59Ngayon nung hindi tinanggap ang bayad, dia sabi ng cashier, kapag magpipilit ka sir, tatawag ako ng barangay.
02:05Ngayon nung sinabing tatawag ng barangay, kinuha niya yung pera, sabay alis, sumakay ng tricycle, iniwan yung biktima doon.
02:14Nakahingi pa raw ng tulong ang biktima sa group chat nilang magkakamag-anak.
02:18Nag-message po ako sa kanila, sabi ko tulong please kasi po.
02:23Hindi na po ako nakapagdugtong ng chat kasi nga po.
02:27Tinitipid ko po yung battery para po ma-chat ko po kung nasan ako dun sa magsusundo po sa akin.
02:32Hindi ko po alam kung buhay pa ba siya o ano po, yung po agad ang pumasok sa isip ko po eh.
02:40Kaya nagmadali po talaga kami na puntahan kung saan po siya, paano na lang kung may nangyari talaga sa kanya na hindi maganda.
02:49Nakipag-usap na raw sila sa pamunuan ng Toda para matukoy ang lalaki sa tulong ng body number ng tricycle.
02:56Patuloy rin ang pakikipagugnayan ng kaanak ng biktima sa mga otoridad para mahuli ang tricycle driver.
03:02Ito ang unang balita, Bea Pinlak para sa GMA Integrated News.
03:07Kapuso, huwag magpapahuli sa latest news and updates.
03:11Mag-iuna ka sa balita at mag-subscribe sa YouTube channel ng GMA Integrated News.

Recommended