00:00Approved sa mga pasahero at nagmamaneho ng bus ang random drug testing sa mga PUV driver.
00:07Ito'y para matiyak ang ligtas sa biyahe at mapababa ang bilang ng mga disgrasya sa kalsada.
00:13Yan ang ulat ni JM Peneda.
00:17Sa tuwing humahawak ng manibela ang bus driver na si Consuido,
00:21tinitiyak nitong nasa kondisyon ng kanyang katawan lalo pa
00:24at hindi lang buhay niya ang nakasalalay habang nagmamaneho.
00:27Kaya naman pabor siya na magkaroon ng random drug testing sa mga PUV driver na katulad niya
00:31para maiwasan ang mga malilang aksidente sa kalsada.
00:35Para lang din sa mga dito sa biyahe natin.
00:39Gaya niya, lalo na pag kargado ka.
00:43Parang wala ka na sa tamang pag-iisip.
00:46Kala mo tama pero mali naman pala.
00:48Para po sa hawak natin, manobela eh.
00:51Tapos marami rin tayong pasayero.
00:53Katulad nung nangyari sa Solid North.
00:55Para naman kay Aldrina na araw-araw sumasakay sa mga pampasayarong sasakyana,
01:00nakatitiyak siyang ligtas ang kanyang biyahe
01:02kung tuloy ang random drug testing sa mga PUV drivers
01:05at posibleng bumabaan niya ang kaso ng mga road crash.
01:09Iwasan yung aksidente, alam na kung in-influence yung driver natin.
01:13Yung safety ko, siyempre, mas ma-assure ko para sa akin.
01:18Yung safety, hindi lang ako pati yung ibang pasayero din.
01:20Nitong mga nakarang linggo, ay sinimula na ng Land Transportation Office o LTO
01:25ang random drug testing sa mga bus drivers.
01:28Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
01:30na paigtingin pa ang pagpapatupad ng road safety sa bansa.
01:34Kasunod na rin yan ng mga naitalang malalaking aksidente
01:37na damay ang mga public utility vehicle o PUV,
01:40particular na ang mga bus.
01:41Isa lamang ang random drug testing sa mga nakitang solusyon
01:44ng Transportation Department
01:46para matiyak na nasa maayos na pag-iisip ang mga drivers.
01:50Kahapon, higit sampung mga driver at konduktor ng bus
01:54ang tinanggalan ng lisensya ng LTO
01:55matapos magpositibo sa iligal na droga.
01:58Halos lahat sila ay galing sa mga malalaking kumpanya ng bus
02:02sa Metro Manila,
02:03kabilang na ang labing-anim na empleyado ng Victory Liner.
02:06Paliwanag naman ang bus company.
02:08Wala na sa kumpanya nila ang mga driver at konduktor
02:10na tinanggalan ng lisensya ng LTO.
02:12Ilang buwan na anilang hindi sila nagtatrabaho sa Victory Liner.
02:16Tiniyak rin nilang mananatili silang aktibo
02:18sa pagpapalaganap ng road safety at drug-free campaign.
02:21Bukod dyan,
02:22nasa igit isandaang ding drivers
02:24ang tinanggalan ng lisensya
02:25dahil sa iba't ibang mga traffic violation.
02:28Ipagpapatuli rin ang LTO
02:29ang mga random drug testing sa mga PUV drivers.
02:33Nagbabala rin si Transportation Secretary Vince Nison
02:36sa mga bus company
02:37na tatanggalan sila ng prangkisa
02:39kung mapapatunayan na pinapabiyahi pa rin nila
02:41ang mga bus drivers na tinanggalan ng lisensya
02:43na nagpositibo sa mga iligal na droga.
02:47J.M. Pineda
02:47para sa Pambansang TV
02:49sa Bagong Pilipinas.
02:50J.M. Pineda