Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
BABALA: SENSITIBONG BALITA 


Hindi na nga lisensyado, dati pang nakulong ang nagpakilalang doktor na nagtuli sa batang binawian ng buhay ilang minuto lang matapos ang operasyon. Ayon sa mga awtoridad, matagal nang walang permit ang lying-in clinic kung saan nasawi ang bata.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hindi na nga lisensyado, dati pang nakulong ang nagpakilalang doktor na nagtuli sa batang binawian ng buhay ilang minuto lang matapos ang operasyon.
00:09Ayon sa mga otoridad, matagal nang walang permit ang lying-in clinic kung saan nasawi ang bata.
00:16At nakatutok si Jomer Apresto.
00:21Taong 2023, nang salakay ng mga tauhan ng PNPC IDG Intelligence Unit ang lying-in clinic na ito sa Balotondo, Maynila.
00:29Nakatanggap kasi sila ng reklamo na ang nangangasiwa raw ng clinic, isang babaeng senior citizen na nagpapanggap umanong doktor.
00:37Ginagamit daw ng sospek ang pangalan at license number ng isang lihitimong doktor na nakatrabaho niya.
00:42Mahigit dalawampung taon ang nakalilipas, naaresto noon ang sospek na isang midwife o kumadrona.
00:48Ayon sa barangay, nakapagpiansa siya.
00:51Ngayon, siya rin umano ang nagpakilalang doktor at tumuli sa sampung taong gulang na si Mac Nathan Aquin nitong Sabado.
00:59May 17.
01:00Wala pang isang oras sa klinik na matay ang bata.
01:03Ayon sa barangay, matagal nang walang permit ang klinik.
01:06Walang request, so ang alam namin, hindi siya nag-operate.
01:09Ang alam namin, licensed midwife siya.
01:12Pero doktor, hindi.
01:14Magiging vigilant sila kung registered ba, kung ano ba.
01:17Tsaka ang dami-dami natin ospital na pwede nilang puntahan.
01:21Kinumpirma rin ang nanay ng bata na si Marjorie na ang babaeng nahuli noong 2023
01:25at ang babaeng na nagpakilalang doktor at tumuli sa anak ay iisa.
01:29Nakatuklasan niya lang daw online ng klinik dahil assistant doon ang isa sa kanyang mga kakilala.
01:34Sinabi pa raw sa kanya na tatlo na ang kanilang natuli noong araw na yun.
01:37Sa halagang 1,200 pesos, napapayag si Marjorie na doon ipatuli ang anak.
01:43Bago tuliin, tinurukan daw ng anesthesia ang kanyang anak na ayon sa assistant sa klinik ay nasa 20cc ang dose.
01:51Ilang minuto matapos ang pagtuli, napansin ni Marjorie na nanginig na ang kanyang anak.
01:56Napatagal pa po doon nalang sabi po sa akin ng doktor, normal lang daw po yung kasigrogi, pati po yung assistant.
02:03Tapos yun nakikita ko na po nangingitin yung anak ko yun po.
02:06Tinakbo na po namin ang kalipin sa ospital.
02:09Tapos ayun po, dead on arrival na po.
02:12Matapos mangyari ang insidente, dinala naman sa MPD ang babaeng nagtuli sa kanyang anak.
02:17Pero, pinauwi rin dahil kailangan pa raw i-autopsi ang bangkay ng bata.
02:21Nakatakdang i-autopsi ng NBI ang bangkay ng bata para malaman ang sanhi ng kanyang pagkamatay.
02:26Pero, nagdadalawang isip pa raw dito ang pamilya.
02:30Para po kasing naawa na po ako sa anak ko eh.
02:32Sobrang bata po ng anak ko eh.
02:35Para mamatay na dahil lang sa ganyan eh.
02:40Sobrang sakit po sa akin.
02:43Pangalay ko po yan eh.
02:45Hindi ko po talaga siya mapapatawad.
02:49Para sa GMA Integrated News, Jomer Apresto nakatutok 24 oras.
02:55Sinusubukan pa rin namin makuha ang panig ng pagtuli sa bata.
02:59Sobrang bata.

Recommended