00:00Balik tayo sa boxing!
00:02One more assignment!
00:03Muling nagkita ang legendary boxer and coach tandem
00:07na si na former 8th Division World Champion Manny Pacquiao
00:10at ang veteranong tactician na si Freddie Roach.
00:14Sa isang video na pinost ng Team Pacquiao sa social media,
00:18nakunan sa camera ang muling pagtatagpo ng dalawa
00:21sa muling pagbisita ni Pacman sa Wild Card Gym sa Los Angeles, California.
00:26Agad namang nagyakapan at nagkamustahan ng dalawang matalik na magkaibigan.
00:32Tulad ng daating gawi, nag-ensayo rin sa loob ng ring
00:35kung saan tinulungan ni Coach Freddie si Pacman sa kanyang shadowboxing, footwork at mittwork.
00:42Ito ay parte ng paghahanda ng pambansang kamao sa nalalapit niyang laban
00:46kontra kay Mexican-American WBC World Welterweight Champion Mario Barrios
00:51sa darating na Hulyo sa Las Vegas, Nevada.
00:54Mamarkahan ito ang pagwawakas ng halos 4 na taong retirement ni Pacquiao
00:59sa mundo ng professional boxing.