Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/20/2025
Kung dati’y sa malalaking sindikato ng droga nakatutok ang giyera kontra-droga ng administrasyong Marcos, pinahabol na rin ngayon ng Pangulo ang maliliit na personalidad na sangkot sa droga. Pero mahigpit na bilin ng Pangulo-walang maabuso!


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kung dati sa malalaking sindikato ng droga nakatutok ang gera kontra droga ng Administrasyong Marcos,
00:07pinahabol na rin ngayon ng Pangulo ang maliliit na personalidad na sangkot sa droga.
00:14Pero mahigpit na bilin ng Pangulo, wala dapat maabuso. Nakatutok si John Veneracion.
00:25I want to be respected but maybe fear is better.
00:29Yan ang sagot ni Pangulong Bongbong Marcos nang tanungin sa ginagawang mga hakbang ng kanyang administrasyon laban sa droga.
00:36Aminado ang Pangulo, sa paghabol at paglansag ng malalaking sindikato ng droga, napabayaan ang paghuli sa mga maliliit na isda.
00:44Ngayon, hindi na namin binigyan ang atensyon yung nasa baba.
00:53So dahanda bumabalik kasi sabi ko yung operasyon natin, kailangan malaking seizure.
00:58Kailangan malaki. At saka nakakahuli tayo ng mga drug lord talaga.
01:03Gusto na raw itong baguhin ng Pangulo.
01:05Kaya naglabas siya ng kautosan at tutukan din ang problema ng street level drug pushing.
01:11Sige, tuloy na natin yung malalaking drug bus.
01:13Pero tignan na muna natin yung small offender.
01:16Sinabihan ko na nga ang DILG na kausak ko si Sec John Vic.
01:22Sabi ko, tama rin naman.
01:24Kasi hindi magandang tignan yung lugar mo.
01:27Maraming nagbebentahan, maraming mga high na ano-ano ginagawa.
01:34Pero sa pagpapalakas ng operasyon laban sa mga small time drug pusher,
01:38dapat walang pang-aabuso, sabi ng Pangulo.
01:41Iniiwasan ko, yung basat may suspetsya o may hinala o may sumbong,
01:46basat kung huli, papatayin na lang, di ba?
01:49Wala na.
01:49Yun, doon kami lumayo.
01:50Opo, opo, opo.
01:51Doon kami lumayo.
01:52Matatandaang sa opisyal na tala,
01:54umabot sa mahigit 6,000 ang bilang na napatay sa gera kontra droga
01:59ng Administrasyong Duterte.
02:01Pero sa tala ng mga human rights groups,
02:04posibleng umabot yan sa tinatayang 30,000
02:07bagay na laging mitya ng pagkakaaresto
02:09at pagkakaditinig ngayon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa dahig.
02:14Yung sabihin mo na,
02:16incliction of harm is not a priority.
02:20It's not a consideration.
02:21Doon sa,
02:22kwan natin sa illegal drugs.
02:24Bagamat nilalatag pa ng PNP Drug Enforcement Group ang plano
02:28kung paano ipatutupad ang utos ng Pangulo.
02:31Tiniyak ng pulis siya.
02:32Ang kanilang gagawin ay malayong malayo sa Oplan Tukhang.
02:36Mananatiri pong bloodless ang atin with respect po sa human rights
02:39pero dapat po palakasin pa rin po yung ating operations sa anti-illegal drugs.
02:44Magiging basihan daw ng PNP sa palalakasing
02:46street-level anti-drug operations.
02:49Ang impormasyon mula sa Badak
02:51o Barangay Anti-Drug Abuse Council.
02:53Tawag na yun lang,
02:54kautosan ng Pangulo,
02:55i-re-reactivate po natin yung paghuhuli sa small-time offenders
02:58na nasa listahan po na Badak
03:01na kung saan ito po ay mismo lang galing na po sa Barangay level po.
03:03Para sa GMA Integrated News,
03:06June Vanera Show Nakatutok, 24 Horas.

Recommended