Skip to playerSkip to main content
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bago ngayong gabi, natagpo ang patayang dalawang batang napaulat na na-trap sa sunog sa Santa Mesa, Maynila.
00:08Nasa isang daang pamilya naman ang nasunugan. May report si Ian Cruz.
00:16Dininga malakas sa pagsabog habang nagbabaga ang sunog sa NDC Compound 1 sa Road 12, Baragay 628, Santa Mesa, Maynila.
00:23Si Aling Milen, dibaling walang masalbang gamit, basta matiyak na ligtas ang kanyang isang taong gulang na apo sa tuhod.
00:44May pader ng giniba ang mga bumbero para mabuguhan ng tubig.
00:48Ang sunog na sumiklab mag-alas 4 ng hapon, nasa pagitan ng mga gusali.
00:53Kabilang ang building ng College of Communication at College of Engineering ng Polytechnic University of the Philippines.
01:00Damay ang ilang sasakyang hindi na nailipat sa bilis ng pagkalat ng apoy.
01:05Napakainit dito sa Santa Mesa kanina at tagawa sa light materials yung karamihan sa mga bahay dito.
01:11Napakalakas pa ng hangin kanina kaya naman mabilis na kumalat ang apoy.
01:15Ngayong gabi, kinumpirma ng Bureau of Fire Protection na natagpo ang patayang dalawang batang na paulat na na-trap sa sunog.
01:22Dalawang kumpirmadong nagtamo ng paso at sugat na sa 38 bahay ang natupok.
01:28Katumbas ng tinatayang sandaang pamilyang apektado ayon sa Command Center ng Bureau of Fire Protection.
01:34Mag-alas 7 ng gabi, diniklarang under control ang sunog na umabot sa ikaapat na alarma.
01:38Isa lang po yun sa tinitingnan ng ating mga arson investigators.
01:42Alin po sir?
01:42Yung sinasabi kanina na aircon na nag-government.
01:46Ian Cruz ng babalita para sa GMA Integrated News.
01:50Huli kam sa Tanzacavite kung paanong tinambangan ang isang barangay kagawad habang lulan ang sasakyang, may sakay ring apat na bata.
01:59Yan ang Spot Report ni Rafi Tima.
02:00Kuha ito sa Barangay Bagtas sa Tanzacavite.
02:07Dinikitan at apat na beses pinagbabaril ng mga nakamotorsiklong sa larin ang sasakyang ito.
02:12Nakasakay sa loob ang target nila.
02:14Si Christopher Aron, kagawad sa Barangay Bagtas.
02:17Tinamaan siya sa leeg at namatay matapos ng dalawang oras.
02:20Kailanado ito, simula pa lamang sa bahay ni Consihal, papunta pagpasok niya sa Barangay Hall, nakaabang na yung mga suspect.
02:32Sinundan siya. Habang nakasakay siya sa sasakyan niya, sinundan siya ng dalawang lalaking motor.
02:39May apat na bata pa lang pasahero rin kasama ng kagawad. Mabilis silang nakalabas ng sasakyan.
02:44Kasama niya yung kinakasama niya at yung mga bata, anak niya sa likuran.
02:49Buti na lamang po at wala pong nadamay. Siya lang po ang punteria. Siya rin po yung tinamaan.
02:58Napatigil ang sasakyan malapit sa Barangay Hall.
03:00Makikitang nagtakbuhan ang ilang kawan niya ng barangay para tulungan ng biktima.
03:04Ayon sa pamilya ni Aron, noong Marso pa nila napansing may mga umaaligid sa kanilang bahay.
03:10Kita sa iba pang kuha ng CCTV na binubuntutan na ng mga riding in tandem ang sasakyan ng kagawad bago ang pamamaril.
03:16Tila kabisado rin nila ang lugar.
03:19Mabait, matulungin at wala raw kaaway si Aron na matunog daw ang pangalan bilang susunod na kapitan ng barangay.
03:25Ang mga investigador ng Tansa Police nananawagan sa sino mang may alam sa kaso na makipagtulungan para agad mahuli ang mga salarin.
03:32Marami pa kami ang gulong na tinitinang katulad ng trabaho niya sa bilang barangay kaunselor.
03:39Negosyante din siya.
03:41May mga previous na support, nag-follow up din kami.
03:48Mga kaso.
03:51Yung huli, meron siyang na-involve siya sa banggaan.
03:55Rafi Tima nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:58Arestado sa Cebu ang isang Chinong nagpapanggap umanong Pilipino.
04:04Ayon sa Bureau of Immigration, nagmamayari ng isang trading company ang 32-anyos na suspect.
04:11Batay sa intelligence information mula sa militar,
04:14nakakuha ng driver's license at birth certificate ang suspect gamit ang pineking pagkakakilanlan.
04:20In-rehistory niya ang kanyang kumpanya gamit ang kanyang Filipino name.
04:25Arestado rin ang tatlong kasabot niya na nabistong nilabag ang kondisyon ng kanilang work visa.
04:31Habang may isang napag-alaman na nagtatrabaho ng walang kaukulang permit.
04:35Timbog naman sa Boracay nitong weekend si Gong Wenli, alias Kelly Tan Lim,
04:43na itinuturong huling nakasama ng negosyanteng si Anson Tan o Anson Ke bago siya dinukot at pinatay.
04:51Ayon sa PNP, ginamit si alias Kelly bilang bait o pain para mapapunta si Ke sa lugar kung saan siya dinukot.
04:59Kasama niyang nahuli ang isa ring Chinese national na si Hu Japping, alias Hu Japping,
05:05ang sinasabing ng asiwa sa pagtatago ni Kelly.
05:08Sila pati ang tatlong na unang in-rest ng suspect ay hawak na ng PNP anti-kidnapping group.
05:13Unaccounted pa rin ang isang nag-angalang Jonin Lim, nakasama raw sa pagpaplano.
05:20Iniutos ni Pangulong Bongbong Marcos na palawigin ang pagbibenta ng 20 pesos kada kilong bigas
05:26hanggang sa pagtatapos ng kanyang termino sa 2028 ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tulaurel Jr.
05:34Pinag-aaralan na lang daw ng kagawaran kung magkano ang magagastos at kung ano-anong sektor ang dapat makinabang para rito.
05:41Mayang buwan lang ng umpisahan sa Visayas ang pagbibenta ng 20 pesos kada kilong bigas.
05:47Sunod naman daw itong ipotutupad sa Mindanao at iba pang lugar sa bansa sa Hulyo at Setyembre.
05:53Kiniyak din ang DA na walang problema ngayon sa stock ng bigas.
05:57Anila, may isang milyong sako ng bigas na maaaring ibenta agad ng 20 pesos kada kilo.
06:03Iba pa riyan, ang lalo pang dumaraming palay na nasa iba't ibang imbakan ng National Food Authority.
06:10Nagkukulang na nga raw ang mga bodega kaya naantala ang pagbili sa mga magsasaka.
06:15Na siya namang sinasamantala raw ng mga trader at binabarat ang pagbili.
06:20Ang pinakaayaw natin mangyari, malugi yung farmer, di ba?
06:27Dahil nga pinaghirapan niya, pinipawisan.
06:29And hopefully nga makahanap kami ng batas o ruling na kung di sumunod ang isang trader o isang buyer sa floor price,
06:36ay pwede nating kasuhan o ma-account sila.
06:42Sinuspendin muna ng COMELEC ang proklamasyon ng dalawang party list group.
06:46Dahil sa mga nakabimbing kaso laban sa kanila, may report si Sandra Aguinaldo.
06:54Sa 54 na party list groups na nanalo nitong eleksyon, dalawa ang hindi muna ipinroklaman ng COMELEC ngayong araw.
07:02The Supervisory Committee recommended the suspension of the proclamation of Duterte Youth Party List and BH Bagong Henerasyon
07:09due to the following pending petitions filed before the clerk of the commission.
07:14Re-resolbahin ng COMELEC ang mga nakabimbing kaso sa mga susunod na linggo bago magsimula ang kanilang termino sa June 30.
07:21Ang kaso ng Duterte Youth sa COMELEC na noong 2019 pa, hindi pa nare-resolba hanggang inabuta na ng eleksyon 2025.
07:30Sabi ng Duterte Youth, hindi nila kasalanan na hindi ibinasura ng COMELEC ang kasong isinampa ng kabataan party list matapos ang huling hearing noong 2019.
07:40Matagal na raw nilang sinagot ang kasong malinaw daw na pangaharas lang umano.
07:45Po-questioning daw ng grupo sa Supreme Court ang anilay grave abuse of discretion ng COMELEC.
07:52Sagot naman ang kabataan party list,
07:54Deserve. Ever since noong sila ay unang tumakbo noong 2019, napansin na yung mga anomalya sa kanilang registration which are illegal and unconstitutional.
08:05Hindi sila totoong representative ng kabataan.
08:08Kabilang ang Duterte Youth sa tatlong grupo na nakakuha ng maximum na tatlong upuan sa kamara,
08:14kasama nila ang akbayan at tingog party list na nanguna sa may mga pinakamaraming boto.
08:20Tatlong party list naman ang may tig-dalawang upuan.
08:24Tinawag naman ang bagong henerasyon party list na paglabag sa saligang batas ang suspension sa kanilang proklamasyon.
08:30Handa raw nilang harapin ang anumang reklamo.
08:34Pero paano ito gagawin kung hindi anila maayos na isinasapubliko ang naturang reklamo?
08:39Naghain na ang grupo ng urgent motion to proclaim sa COMELEC.
08:44Sabay diing igalang ang pasya at boto ng sambayan ng Pilipino.
08:47Kabilang ang bagong henerasyon party list, sa 48 nakakuha ng tig-isang pwesto.
08:53Sa kabuuan, 63 slots ang pupunuin ng party list organizations sa House of Representatives.
08:59Sa diwa ng party list system, hindi lamang dami ang batayan.
09:05Layunin itong bigyang boses ang mga pananaw na madalas na isasantabi upang mailapit sa katarungan ang representasyon sa lehislatura.
09:15Sandra Aguinaldo nagbabalita para sa GMA Integrated News.
09:20Sa kabila ng magkakaibang opinion at saluobin sa politika,
09:24bukas daw si Pangulong Bongbong Marcos na makipagkasundo sa Pamilya Duterte.
09:29Gusto ko makasundo sa lahat ng tao.
09:33Mas maganda pala na.
09:34Marami na akong kaaway.
09:36Hindi ko kailangan ng kaaway.
09:37Kailangan ko kaibigan.
09:38Ang habol ko ay yung stability, peaceful, para magawa namin yung trabaho namin.
09:46Kaya ako, laging akong bukas sa ganyan.
09:50I'm always open to any approach na, alika, magtulungan tayo.
09:54Diba?
09:55Kahit hindi tayo magkasundo sa polisiya, hindi tayo magkasundo.
09:58Gawin niyo yung trabaho pero huwag na tayong nangugulo.
10:01Akin kung hindi sa aming lahat.
10:02Sinabi yan ng Pangulo sa unang episode ng kanyang podcast na inilaba sa kanyang social media account.
10:09Patatandaang mahigit dalawang buwan mula nang arestuhin si dating Pangulong Rodrigo Duterte
10:14at lalhin sa International Criminal Court sa The Hague, Netherlands para sa mga reklamong crimes against humanity.
10:21Sinisika pa ng GMA Integrated News na kunan ng pahayag ang Pamilya Duterte.
10:26Bukod dito, aminado rin ang Pangulo na hindi nakuha ng alyansa senatorial slate ang resultang naisana nila nitong eleksyon.
10:56Pinalindigan ng Court of Appeals ang nauna nitong desisyong ipawalang visa ang pagbibigay ng piyansa
11:04sa 6 na akusado sa pagkawala ng 6 na sabongero sa Maynila noong 2022.
11:11Kawag na ito ng desisyon ng CA noong Desyembre na nakitaan ng grave abuse of discretion
11:16ang hukom ng Manila RTC Branch 40 dahil sa pagbibigay ng piyansa sa 6 na akusado
11:22sa mga kasong kidnapping at serious illegal detention.
11:26Naghain ng mga akusado ng Motion for Reconsideration
11:29at sinabi nilang hindi naman daw malinaw na binabawi ang pagbibigay ng piyansa.
11:34Sa pagbasura ngayon ng kanilang Motion for Reconsideration,
11:38sinabi ng CA 3rd Division na bagamat hindi direkt ang sinabi sa naunang desisyon
11:43na kansalahin na ang piyansa ng mga akusado, malinawa nila na pinawalang visa ito.
11:50Binigang D&D ng CA na nang tignan ng mga ebidensya sa kaso ng mga missing sabongero,
11:55nakita daw na may evident proof na ang mga akusado ang gumawa ng krimen.
12:01Bigo rin daw ang mga akusadong ipakita na may nakaligtaan o naisantabing ebidensya ang CA
12:07na kukumbinsi sa kanilang dapat baguhin o baligtarin ang naunang desisyon.
12:12PBB housemate Will Ashley magkakaroon ng first-ever LED billboard sa South Korea.
12:22Yan ay matapos manguna ang Mama's Dream Bay ng Cavite sa isang voting app under Best International Artist category.
12:34Ex-PBB housemate Josh Ford may nireveal naman sa Fast Talk with Boy Abunda
12:41tungkol sa kanila ng dating kaduo na si Kira Balinger.
12:58Malapit na malapit na nating makilala ang mga bagong henerasyon ng sangres
13:04na si Adamus at Deya, played by Calvin Miranda at Angel Guardian.
13:16Ang bagong masterpiece ng comedy genius na si Michael V.
13:20Pinipilit magkisali sa mga bata.
13:25Certified gout as the goat as in greatest of all time sa recent parody as Tio Nilo.
13:34High blood sugar at the high.
13:38Mula yan sa hit single ng OPM singer na si Dayunela na sinning.
13:44Feeling. Kasi tito siya na feeling baguets pa.
13:47So ito parang sa mga titos of Manila para maipakita yung kung gaano ka-awkward yung mga tito na
13:54sa isang lugar na ganito na hindi na pang tito, pang baguets.
13:58Kasama niya rito si Paulo Contis.
14:02At wala pang 24 hours since marilis ang MV
14:05na isinulat at dinirek mismo ni Bitoy,
14:09mahigit dalawang milyon na ang views nito.
14:12Lar Santiago nagbabalita para sa GMA Integrated News.

Recommended