00:00Baka puso, naka-alerto po ulit sa COVID.
00:03Ang Department of Health, kasunod ng mga ulat ng pagtaas ulit ng kaso ng mga tinamaan ito sa ilang kalapit na bansa.
00:09Nakatutok si Dano Tingkongko.
00:14May mga ulat ngayon ng muling pagtaas ng kaso o kaya'y clusters ng COVID-19 cases sa Hong Kong, Singapore at Thailand.
00:21Mga bansang malapit lang sa Pilipinas.
00:24Pero sa isang pahayag, sinabi ng Department of Health na wala pang nakikitang rason para ma-alarma.
00:29Katunayan daw, bumaba ng 87% ang bilang ng mga kaso at nasaway sa COVID sa bansa ngayong taon as of May 3,
00:36kumpara nung isang taon.
00:37Pero minomonitor daw nila mga trends sa COVID at nahikipag-ugnayan sa mga counterparts sa ASEAN.
00:43Sabi naman ng Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases,
00:47wala raw silang namomonitor ngayong pagtaas ng bilang ng mga konsultasyon o admission na may kinalaman sa COVID.
00:52Pero bili ng PSMID.
00:55Ipagpatuloy pa rin ang mga nakagawi ang hygiene measures contra COVID tulad ng pag-uugas ng kamay,
01:00pagtakip ng ilong at bibig kung uubo o babahing,
01:03paggamit ng face mask at tamang pagtapo ng nagamit ng tissue.
01:07Ayon naman kay Dr. Jose De Grano ng Private Hospitals Association of the Philippines Incorporated,
01:13wala raw sa ngayong kahit anong ulat ng problema sa bed capacity o pagdami ng mga na-admit.
01:18Pero hindi rin naman daw kasi lahat ng may flu-like symptoms ngayon ay nakoconfine.
01:22Kasi normally, pag mga flu-like symptoms lang at wala namang ibang comorbidities,
01:30hindi ito immunocompromised, inapa-uwi na rin sila.
01:33Binibigyan natin ng mga supportive na medications.
01:37Ang kaso, ayon sa PHAPI, hindi regular o routine sa Pilipinas ang pagpapatest para sa COVID.
01:43Kaya ano raw ang basehan para masabi talaga kung dumami ang kaso o hindi.
01:47Sa ibang countries kasi, like Singapore, maybe China and Thailand, pwede routine sa kanila yan.
01:53Kasi libre. Makikita nila na whether it is COVID or flu.
01:57Pero sa atin kasi, hindi niruroutine yan kasi may cost.
02:02So is Johnny De Grano, mas mainam daw na magpa-routine test ang gobyerno
02:05para may basihan talaga para masabi kung dumami ba ang may COVID o hindi.
02:10Sinusubuhan pang makuha ang reaksyon dito ng DOH.
02:13Para sa GMA Integrated News, danating kung nakatutok 24 oras.
Comments