00:00Bumulwak at umapaw sa kalsadang tubig mula sa isang bundok sa Glan Sarangani.
00:08Dahil dito, pansamantala itong hindi nadaanan ng ilang residente, gumuhurin ang bahagi ng kalsada.
00:14Sa Sultan Kudarat, pahirapan ang pagdaan ng mga motorista sa isang highway dahil naman sa putik matapos ang matinding ulan.
00:23Lubog din sa baha ang isang highway sa Ampatuan, Maguindanao del Sur na nagbistulan ng ilog.
00:30Ayon sa pag-asa, dalawang weather systems ang naka-apekto ngayong araw sa bansa.
00:34Magdadala ng maulap na panahon na may kalat-kalat na pagulan at thunderstorms sa Intertropical Convergence Zone o ITCZ sa Mindanao, Eastern Visayas at Palawan.
00:44Easterlies naman ang magpapaulan sa Metro Manila at natitiram bahagi ng bansa.
00:49Sa rainfall forecast ng Metro Weather, posibleng light to moderate rains bukas sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, Zambales at ilang lugar sa Palawan.
00:57Light to intense rains naman ang posibleng maranasan sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao.
01:02May chance na rin ng pagulan bukas sa Metro Manila.
01:09Handa raw si Vice President Sara Duterte na harapin ang impeachment trial sa 20th Congress.
01:15At mula sa Davao City, nakatutok si Argel Relator ng GMA Regional TV.
01:20Sinabihan ko na rin talaga sila, really, I truly want the trial because I want a bloodbath talaga.
01:30Hindi raw uurungan ni Vice President Sara Duterte ang nakatakdang impeachment trial sa kanya sa pagpasok ng 20th Congress.
01:39Whether guilty man yun or acquital, I'm already at peace.
01:44Pero pinuna ni VP Sara na mali raw na magsimulang magbilang ng boto na wala pang trial.
01:51They haven't seen evidence yet. They haven't seen what the prosecutors have. They haven't seen what our defense is.
02:01So parang mali siguro na magbilingan ng boto ng walang trial.
02:07Hindi na rin daw nagulat ang vice sa umano'y pagiging kasapi ni na presumptive party list representative Chal Jokno at Leila Dilima sa prosecution team sa impeachment trial.
02:18They've been very vocal anti-Duterte since birth. Yes. In fact, wala pa sa mapa si dating Pangulong Rodrigo Duterte to become President ay anti-Duterte na talaga si Secretary Dilima.
02:39Malayo pa ang 2028 presidential election pero sabi ng vice, binigyan daw siya ng mga taga-suporta ng hanggang December 2026 para magdesisyon kung tatakbo siya o hahanap ng ibang susuportahang kandidato.
02:54I have more than a year to really sit down and list down the pros and cons as I did at noong 2021 with regard to running for president.
03:08Sa katatapos naman na eleksyon, proud daw ang vice sa mga senatorial candidate ng PDP laban kahit hindi raw ito ang inasahan nilang risulta.
03:18Ngayong umaga, dumalo si VP Sara sa Thanksgiving Mass sa Carmelite Church sa Davao City matapos ang eleksyon 2025.
03:27Naroon din ang kapatid na si Davao City 1st District Representative Paulo Duterte at mga anak ni Kong Pulong na sina 2nd District Representative Elect Omar Duterte.
03:38At 1st District Counselor Elect, Digo Duterte.
03:41Sabi ni VP Sara, nagkausap na umano sila ng amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa risulta ng eleksyon, mga ginagawa sa impeachment at ukol sa ICC case ng ama.
03:53Ayon sa vice, tinatrabaho na umano ng mga abogado kung paano manunong pa ang dating Pangulo na nahalal na mayor ng Davao City.
04:01Para sa GMA Integrated News, R. Jill Relator ng GMA Regional TV, nakatutok 24 oras.
Comments