00:00Sa ibang balita, pinagtibay na din ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang batas na naga-amienda sa Republic Act 112-35 o Motorcycle Crime Prevention Act o mas kilala bilang Doble Plaka Law.
00:14Sa ilalim nito, binibigyan ng 20 working days sa mga bagong may-ari ng motorsiklo para maisalin sa kanila ang pagmamay-ari.
00:22Dapat ding ma-i-report sa loob ng limang araw ang pagbenta o disposition ng plaka.
00:27Binago rin ang multa para sa dealer sa dati ay bagong may-ari mula sa dating 20,000 pesos hanggang 50,000 pesos na multa.
00:38Ngayon ay 5,000 pesos na lamang ang ipinataw para sa mga hindi agad makakalipat ng rehistro.
00:45Hindi na rin pwede kumpiskahin ang motorsiklo kung may may papakitang maayos na dokumento ang may-ari.
00:52Nakasaad din sa batas ang paggamit ng malaki, nababasa at color-coded na number plates para sa lahat ng motorsiklo.
01:00Ang mga mahuhuling walang plaka o hindi nababasa ang plaka ay papatawa ng multang hanggang 5,000 pesos.
01:08Ang mga mahuhuling nagtatamper, gumagamit o nagbebenta ng peking plate number ay maaaring mahatulan ng 6 na buwan hanggang 2 taong pagkakakulong at multang hanggang 10,000 pesos.