00:00Magandang gabi Pilipinas!
00:02Bayan kontento si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:06sa inisyal na resulta ng Hatol ng Bayan 2025 sa buong bansa.
00:11Ayon kay Pangulong Marcos Jr.,
00:13umaasa siyang magtutulungan ang mga pagong halal na kandidato
00:17anuman ang kanilang partido.
00:19At bukas ang administrasyon sa mga lehitimong oposisyon
00:23hanggat kapakananang taong bayan ang isinusunog.
00:27Yan ang ulat ni Kenneth Pasyente.
00:30Masaya si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:34sa inisyal na resulta ng 2025 midterm elections,
00:38sinabi ni Communications Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro,
00:42dahil daw ito sa pagkakabilang ng mga senatorial candidate
00:45na pinaniniwalaan ng Pangulo na may dignidad,
00:48sariling paniniwala at may tunay na intensyon na makapaglingkod sa bayan.
00:53At sa kabila ng pagkakaiba ng partidong pinagmulan,
00:55umaasa raw ang Pangulo na magtutulungan ng mga bagong halal na kandidato
00:59tungo sa pagtugon sa tunay na pangangailangan ng taong bayan
01:02at hindi sa pansariling interes.
01:04So anumang kulay yan, winiwelcome po talaga ng Pangulo na makaisa ang bawat leaders natin
01:12para tugunan kung anuman ang problema at magbigyang solusyon ang pangangailangan ng mga kababayan natin.
01:19Sinabi pa ng palasyo na bukas ang administrasyon sa mga lehitimong oposisyon na kapakanan ng taong bayan ang itinutulak.
01:27Pero lalabanan daw ang obstructionist o mga kritiko na walang nakikitang maganda sa mga programa ng pamahalaan
01:34at pansariling interes lamang ang inilalaban.
01:36Pag sinabi natin lehitimong oposisyonist, ang ipilaglalaban nila ay ang bansa, ang interes ng taong bayan,
01:48hindi ang personal na interes.
01:52Obstructionist, walang gagawin, kundi manira walang makikitang maganda sa ginagawa ng gobyerno
01:58at ang sariling interes lamang ang gustong palagawin.
02:01Sa pagkakabilang naman ng 6 na administration bets sa Magic 12 sa partial and unofficial tali ng katatapos na eleksyon,
02:09tiwala ang palasyo na nagpapakita ito ng maraming Pilipino ang kumpiyansa at naniniwala pa rin sa pamahalaan.
02:16Naniniwala pa rin po ang Pangulo na malaki pa rin po ang suporta ng taong bayan sa administrasyon sa ngayon.
02:24Tandaan po natin ang kahuli-hulihan pong survey na nagpapakita po ng mataas na trust rating po ng Pangulo.
02:30Sa tanong kung naniniwala ba ang palasyo na mabibigyang daan pa ang impeachment laban kay VP Sara,
02:36kasunod ng resulta ng senatorial race, tugod ng palasyo,
02:40hindi naman kailanman itinulak ng Pangulo na ma-impeach ang bise.
02:44Wala pong anumang balita patungkol sa pagpursu ng Pangulo sa impeachment or sa impeachment trial ni VP Sara.
02:53So yan po ay ating tinutulan at pinasisinungalingan po.
02:57Wala pong sinasabing anumang pagkumpiyansa na para mapatalsik o matanggal sa pwesto ang vicepresidente.
03:04Pinabulaanan pa ng Malacanang ang hirit ng oposisyon na ang resulta ng senatorial race
03:08ay bahagi ng pag-usig ng kasalukuyang administrasyon sa pamilya Duterte.
03:13Tao po ang siyang humusga, tao po ang siyang bumoto.
03:17Igalan po natin ang mga napili ng mga kababayan po natin.
03:21Wala po itong refleksyon kung anumang po ang sinasabi patungkol sa mga Duterte.