Nangangamoy selos na naman dahil mami-meet uli ng bida milyonaryo na si Pepito (Michael V.) ang dati niyang crush na si Marites (Ynez Veneracion) na anak ng may-ari ng isang siopao store sa Caniogan.
Ano ang gagawin ni Elsa (Manilyn Reynes) kapag nakita ang mister kasama ang crush niya?
Tutukan ang mangyayari sa all-new episode ng ‘Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento’ sa darating na May 17 sa oras na 7:15 p.m..