• 2 years ago
Panoorin ang interview kay Comelec Chairperson George Garcia nitong 7:02 a.m. ng May 13, 2025.

Panoorin ang 32-hour special coverage ng GMA Integrated News para sa #Eleksyon2025!

WATCH: https://youtu.be/r3TGnPhyU5Y

Panoorin dito ang 32-hour special coverage ng GMA Integrated News para sa #Eleksyon2025!


WATCH: https://youtu.be/r3TGnPhyU5Y

Welcome to the official YouTube channel of GMA Integrated News, the News Authority of the Filipino. Updated daily with the latest top news and breaking news
.
Subscribe to the GMA Integrated News channel! https://www.youtube.com/@gmanews


Visit our website - https://www.gmanetwork.com/news/


Facebook - https://www.facebook.com/gmanews
TikTok - https://www.tiktok.com/@gmanews
Instagram - https://www.instagram.com/gmanews/
Twitter/X - https://x.com/gmanews

Category

📺
TV
Transcript
00:00Let's take a look at the Comelec Chairman George Irwin-Garcia.
00:04Chairman, good morning po sa inyo.
00:11Chairman Garcia?
00:18Sige. Chairman Garcia, narinigin niyo po ba kami?
00:22Yes po, Sir Atom.
00:23Mang Pia at Igan, magandang-magandang umaga po.
00:26Good morning!
00:27Good morning po, Sir.
00:28Sir, unang-una po itatanong namin yung nangyaring pagbabago ng mga numero sa isang punto ng bilangan kaninang madaling araw.
00:36May mga duplication daw po ng election returns.
00:39Ano po ba ang masasabi niyo dito?
00:42Una po muna, Sir Atom, Igan at Pia.
00:45Ang tatanungin po ng sambayanan, kanino po ba nanggagaling yung figures na yan?
00:50Sino po ba ang naglalabas?
00:53Kasi po, para sa kaalaman ng lahat, uulitin ko po.
00:56Mula sa presinto, ang resulta ng presinto ay pinapadala parang text messaging, naka-group texting, pinapadala sa Comelec, sa PPCRB, sa NAMFRL, sa Majority Party, sa Minority Party, at sa Media.
01:13May kanya-kanyang server po ang tawag doon.
01:16Doon na ipapadala ang result.
01:18So, ibig sabihin, yung pong nakikita niyong nilalabas ng Comelec, yung doon nakikita sa aming pong website,
01:25yan po ay mula sa presinto mismo.
01:28Pero unofficial po yan, hindi po yan na official, unofficial pa po yan sa kasalukuyan.
01:34So, nangangahulugan, yung pong amin, pagka po sinabi natin na ang natanggap na namin ay 90%,
01:40ang ibig sabihin po niyan, 90% ng lahat ng presinto sa buong Pilipinas.
01:47Ibig sabihin, kung may 94,000 presinks, ang natanggap na naming resulta mula sa presinto ay 90% sa 100% na yan.
01:56Ngayon po, ang Comelec po ay hindi nagsusumatotal.
02:00Wala po kaming pag-ranking, hindi nga po namin alam kung sino ang nakalalamang,
02:04sino ang number 1, number 2, number 3, hanggang number 12,
02:07o kung sino man yung mga nanalo sa pagka-senador.
02:11Sapagkat, hindi po kami pwede mag-ranking, baka po kasi akalain ng sambayanan, ay official po yan.
02:17Ngayon, kung may naglalabas ngayon, may lumalabas na mga ranking na mga 1, 2, 3,
02:22hindi po kami yun. Maaaring yan ay galing sa isang entity, katulad ng PPCRB.
02:28Ayan, mapagkakatiwalaan yan. Ang NAMFREL, mapagkakatiwalaan yan.
02:32Halimbawa po, ang GMA at DCW, naglabas sila ng kanilang mga ranking,
02:38yung po ay galing doon sa server na pinagkuhanan nila.
02:42Na nangangahulugan, dapat pare-parehas yung natatanggap ng lahat ng servers na ito.
02:47Nagpadala ako kay Sir Atom ng I love you, dapat kay Mampia I love you matatanggap.
02:52Kay Sir Egan, dapat I love you matatanggap.
02:54Dapat pare-parehas tayong apat na natatanggap.
02:57Ang kaibahan lang ay ganito.
02:59Kapag ba tayong apat, nakatanggap tayo ng 80%,
03:03ang katanungan, ilan ang ilalabas na porsyento ni Sir Arnold o ni Sir Egan?
03:10Ilan ang ilalabas ni Mampia na porsyento?
03:13Ilan ang ilalabas ni Sir Atom na porsyento?
03:15Kung ang nilabas ni Sir Egan ay doon sa 90% na natanggap niya ay 70% lang,
03:21si Mampia ang nilabas niya 80%,
03:24si Sir Atom kumpletong 90% ang nilabas,
03:27malamang lamang po magkakaiba ang figures na yan ng sumatotal.
03:32Pero hindi nangangahulugan na mali ang mga nilalabas po nila.
03:36Nagkataon lang, hindi nilabas ng isa yung kabuuan at yung isa naman,
03:40mas minarapat na ito muna, kasi ikaka-counsearch ko muna kung tama talaga ang lahat ng natatanggap natin.
03:46Ngayon, kung may ilubabas ngayon kaninang madaling araw,
03:49ang tanungin po natin, e kanino ba nanggaling po yun?
03:52Kasi kung nakalagay lang doon, halala lang 2025,
03:57may walang entity nakalagay, may wala man lang kung kanino nakalagay,
04:00isa lang ibig sabihin, may nagmi-misinform o namagnama ni Ubra.
04:05Nung nilalabas na resulta para sa public perception lang,
04:09hindi yan nanggagaling doon sa mga entities na nakatanggap talaga ng result mula sa presinto.
04:16Chairman, sa gitna po ng excitement, tawagin na lang natin,
04:19medyo tense po yung atmosphere dahil sa nag-aabang lahat ng resulta ng eleksyon.
04:25Ano po ba ang inyong panawagan o may papayo sa publiko?
04:29Saan po ba dapat sila tumitingin at paano po nila i-verify na yung kanilang nakikitang resulta
04:35ay talagang ito yung totoo, yung partial unofficial na galing mismo sa Comelec?
04:42Yung po website ng Comelec ay naglalaman ng tunay na boto galing sa presinto.
04:48Presinto nga lang po, wala lang kaming sumatotal.
04:50E di kung kayo po ay gusto nyo pagtsagaan na i-compute yung lahat na nakuha sa bawat presinto,
04:55pwede po yun. Kaya na po na, medyo madami-dami yun.
04:58Kasi lahat-lahat ng presinto ay more or less 94,000 eh.
05:03So yan po lahat-lahat ngayon. Wala po kami sumatotal.
05:05Yung mga media, pwede po magsumatotal. Nasa kanila po yan.
05:08Ngayon po, ang official na canvassing ay magsisimula ngayong alas 10 ng umaga.
05:14At aalamin po ng National Board of Canvassers, may pumasok na ba na certificate of proklamasyon
05:20mula sa iba't-ibang provincial board of canvassers.
05:23Ang tinatanggap po ng National Board of Canvassers na resort ay yung mismong canvass resort
05:29galing sa mga probinsya, 83 provinces, galing sa mga post abroad, sa mga embahada, konsulada,
05:36galing sa local abstentive voting.
05:38Yan po yung mga tatanggapin namin. Yan po yung magiging official na boto na makukuha ng lahat ng kandidato.
05:45Chairman, ang natanggap kong informasyon mula sa social media na inireklamo yata,
05:50eh, mula 25 million, naging 21 million yung isang kandidato.
05:54So, maaari nyo bang mawala yung pangamba ng publiko, bagamat ito ay partial unofficial,
06:00na walang dagdag bawas dito sa bagong sistema, at abangan na lang yung alas 10 na pagbibilang
06:06ng Commission on Election, Chairman?
06:09Opo, kasi ang tanungin po natin, Sir Igan, sino ba yung naglabas na yun? Kanino ba galing yun?
06:14Sure na sure na sure, hindi po galing sa Comelec yun.
06:17Sapagat wala po kaming sumatotal, wala po kaming overall total at ranking,
06:22hindi po namin ginagawa yun, hindi po kami gumagawa po ng gano'n.
06:26So, kung may sumatotal na nilabas, ranking 1, 2, 3, 4, sure po yan sa mga kababala natin,
06:32hindi po yan sa Comelec nang galing.
06:35Ang tanungin natin, ano ang nilalabas ni PPCRB, ano ang nilalabas ni NAMFREL,
06:40ano ang nilalabas ng mga ibang radyo o kaya telebisyon, at kung saan nang galing yung kanila.
06:47Yung kanila po kasi, may pinanggagalingan. Yung PPCRB, may sarili silang server galing sa presinto.
06:56Yung po naman pong NAMFREL, may sarili din silang server ng result galing sa presinto.
07:00Yung media, halimbawa po ang DCWB at GMA7, kumukuha po kayo ng result mula sa media server na tinatawag,
07:08na dapat pare-pareha.
07:09So, kung may mga pagbaba ng boto, ay hindi po yan galing sa atin, baka po kahit sa inyo,
07:14hindi po galing sa inyo yan, baka galing sa ibang entities yan, o yung nagbibis-informed.
07:19Chairman, sa pangkalatan, ano assessment mo dito sa election 2025? Masaya ka ba?
07:24Bagamat may mga ilang pumalyang BCM, may mga adjustment ba kayong gagawin?
07:31Yung pong sinasabing pumalyang, hindi po. Issues lang naman po kasi may mga BCM na kinakailangan,
07:37napalitan, 311 po lahat yun, bumparan noong 2022 na 2,500 naman.
07:42Ako po ang akin po talagang sentimiento, sana po mapag-isipan na ng ating mga ginagalang na mambabatas.
07:49Alam nyo po, noong 2022, ang ating pong votante ay 66 million.
07:54Ito pong 2025, ang votante natin ay 68,431,000.
07:59Pagdating po ng 2028, ang magiging votante na po natin ay 70 to 71 million.
08:04Napakasisikip na po ng ating mga classrooms.
08:06Hindi naman po yan talaga lumalaki, lumalaki ang voting population,
08:09hindi lumalaki yung mga lugar kung saan tayo bumoboto.
08:13At ang pagboto ng mga Pilipino, lagi pong mayo.
08:15Ibig sabihin, napaka-init po ng pagboto natin.
08:19Sana po, mapag-isipan na baka pwedeng pamayag na sa batas na maggamit ang mga private areas
08:24para po doon tayo makapagpaboto.
08:27Katulad po nung ginagawa po namin sa mall voting.
08:29Napaka-comfortable. Malamig.
08:32Pagkatapos walang vote buying, walang violence.
08:35Sana magkaroon na ng batas na papayag na gumamit ng mga private buildings
08:39para sa pagsasagawa ng ating po mga halalang.
08:42Para naman po lalo sa mga nakatatanda, comfortable ang pagboto nila.
08:46Chairman, actually, yun yung naging report nung ilan sa mga reporters natin
08:50na nakapag-cover doon sa mall voting.
08:53Maayos at hindi nagkakaaberya doon sa makina dahil nga malamig yung lugar.
08:57So sabi nila parang tuloy-tuloy lang yung pagpasok ng mga balota.
09:01Actually, Chairman, abangan namin yung naging obserbasyon ng Comelec
09:06based on the midterm elections na magagamit natin pagdating sa susunod na presidential elections.
09:12Pero, Chairman, tatanong ko lang kasi nabanggit nyo kanina na 10 a.m.
09:16Mag-uubisay yung inyong official canvassing.
09:19Meron pa tayong expected timeline sa araw na ito kung ilang porsyento
09:23ang expected natin na makanvas sa buong araw na ito?
09:27Mga PIA, depende po yan kung ilan yung darating sa atin na certificate of canvass
09:32mula sa iba't ibang probinsya.
09:35Kung may 83 provinces tayo, kung may nakatapos na,
09:38at it's po matatanggap na natin yun, yung kanilang official na canvass na yan.
09:42Halimbawa, Batanes, baka naman nakatapos na ang Batanes, makakanvas na po namin yan.
09:46Ang local absentee voting, sure po ako, dahil natapos na po sila kagabi na makakanvas na po natin yan.
09:52So kami po ay magdedere-derecho ng pagkakanvas hanggat may dumadating na certificates of canvas of votes and proclamation.
10:01So Chairman, pagkatapos po ba, as soon as matapos ang canvassing,
10:05ibig sabihin, pag-uusapan na yung mga naging observations po ninyo para ito po ay magamit sa 2028 elections?
10:12Dapat po talaga para po magkaroon tayo ng mga panukalang batas para i-improve natin ang ating halala.
10:18Lalo na po yung pagvoto ng mga vulnerable sectors po natin.
10:22Kasi nga po, alam nyo bang pinopropose natin, Mampiya, early voting law para sa mga senior citizens.
10:27Nakakating na po ito sa kongreso, sa house.
10:30Na-approve po nila, kaya lang po hindi po ito naipasa bilang batas.
10:33Dapat talaga, yung mga nakatatanda, parang local absentee voting ng media,
10:37isang linggo bago mag-eleksyon, dapat pinapaboto na po sila.
10:40Alright, so marami tayong aabangan at baka yan naman ang susunod na gawing pilot testing sa 2028.
10:48Maraming salamat po sa inyo, Comlec Chairman George Garcia.
10:51Namin kayo ay very busy at mahaba pa ang inyong araw.
10:54Maraming salamat po, Comlec Chairman George Garcia.
10:56Maraming salamat po. Pabuhay po kayo.
10:58Good morning po.

Recommended