Skip to playerSkip to main content
83% ng mga boto sa Iloilo City ang nai-transmit na.


The GMA Integrated News' 32-hour special coverage for #Eleksyon2025. 

Panoorin dito ang 32-hour special coverage ng GMA Integrated News para sa #Eleksyon2025!


WATCH: https://youtu.be/r3TGnPhyU5Y

Welcome to the official YouTube channel of GMA Integrated News, the News Authority of the Filipino. Updated daily with the latest top news and breaking news
.
Subscribe to the GMA Integrated News channel! https://www.youtube.com/@gmanews


Visit our website - https://www.gmanetwork.com/news/


Facebook - https://www.facebook.com/gmanews
TikTok - https://www.tiktok.com/@gmanews
Instagram - https://www.instagram.com/gmanews/
Twitter/X - https://x.com/gmanews

Category

📺
TV
Transcript
00:00At kuha rin tayo na update sa canvassing sa Iloilo City naman, naroon si Zen Kilantang Sasa ng GMA Regional TV.
00:08Zen, magandang gabi!
00:13Yes, magandang gabi, nagpapatuloy pa rin ang canvassing dito sa Iloilo City.
00:19Pagkatapos ng butohan, kanina may ilang supporter ang dumiretso na dito sa Iloilo Social Hall,
00:25ngunit hindi ang mga ito pinayagang makapasok. Limitado lang sa COMELEC, media, mga legal counsel at poll watchers na mga kandidato ang social hall.
00:35Isang server ng COMELEC ang tumatanggap ng transmitted results mula sa polling per sinks.
00:40May inilagay na LED wall sa loob at labas ng Iloilo Social Hall kung saan mamaya makikita ang resulta at ranking ng mga kandidato.
00:48Bago pa magtapos ang butohan kanina, may mga supporter na naghiyawan bilang pagpapakita ng kanilang suporta.
00:56Agad, nag-generate ang bawat presinto ng election returns sa mga ACM at nagprint ng siyam na kopya para sa City o Municipal Board of Canvassers,
01:04COMELEC, PPCRV, NAMFREL, kopya para sa Majority Party, Minority Party, ballot box para sa Posting at Provincial Board of Canvassers.
01:14Sa oras na mga ito, nagpapatuloy pa ang canvassing at inaasahang magtatagal ito hanggang mamayang hapon o madaling araw.
01:21May nakastandby namang mga police personnel upang mapanatili ang siguridad.
01:25Sa ngayon, nasa 83.47% na ang nai-transmit na election returns o 348 sa 417 na clustered precincts sa Iloilo City.
01:36Base sa partial and unofficial results nangunguna sa ngayon sa pagkakongresista,
01:41si re-electionist Rep. Jamjam Baronda sa pagka-alkalde si Raisa Treñas na may 162,930 votes,
01:51habang si Roland Magahin ay may 72,036 votes.
01:57Samantala sa pagkabi si alkalde ay nangunguna naman si Lavlav Baronda na may 127,391 votes,
02:04habang si re-electionist Vice Mayor Jeffrey Ganzon ay may 115,979 na bota.
02:13Yan ang latest mula rito sa Iloilo City.
02:15Ako si Zen Kilantang Sasa ng GMA Integrated News.
02:18Dapat totoo para sa eleksyon 2025.
02:21Zen, nabanggit mo na tuloy-tuloy lamang ang canvassing na posibleng umabot na hanggang mamayang madaling araw
02:27dahil ilang minuto na lamang at alas 12 na ng hating gabi.
02:32Ibig sabihin nito, Zen, wala namang recess, walang i-aanunsyong mag-re-recess yung Board of Canvassers.
02:42Come again?
02:44Ibig sabihin ba nito, Zen, walang naging anunsyo ang ating Board of Canvassers na sila ay mag-re-recess
02:49at talagang hihintay nila kasi 83.74% ang nakuha na.
02:55So, ang hinihintay nila ay roughly 17% na lamang.
02:59Tuloy-tuloy lang habang naghihintay.
03:05So far, wala pa pong announcement if mag-re-recess yung city canvassers.
03:14Pero, initial information na nakuha natin is bukas ang may possibility na isasagawa yung proclamation dito sa Iloilo City.
03:24Alright, well, ang bukas ay darating na lamang sa iilang minuto.
03:29Zen, maraming salamat sa iyo, Zen.
03:31Kilantang sasa ng GMA Regional TV.
03:34Nag-uulat po siya live mula po sa Iloilo City.
Comments

Recommended