Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 5/12/2025
Mayoral candidate Vico Sotto nangunguna matapos ang 92.1% na nai-transmit na boto sa Pasig City.

Panoorin dito ang 32-hour special coverage ng GMA Integrated News para sa #Eleksyon2025!


WATCH: https://ow.ly/cEFT50VQHix

Welcome to the official YouTube channel of GMA Integrated News, the News Authority of the Filipino. Updated daily with the latest top news and breaking news
.
Subscribe to the GMA Integrated News channel! https://www.youtube.com/@gmanews


Visit our website - https://www.gmanetwork.com/news/


Facebook - https://www.facebook.com/gmanews
TikTok - https://www.tiktok.com/@gmanews
Instagram - https://www.instagram.com/gmanews/
Twitter/X - https://x.com/gmanews

Category

šŸ“ŗ
TV
Transcript
00:00Nagbabalik ang eleksyon 2025, makibalita tayo sa canvassing sa Pasig City mula kay Nico Wahe.
00:06Nico?
00:10Atom, magandang gabi. Nandito ako ngayon sa Rizal High School Gymnasium dito sa Pasig City
00:16kung saan nasa 92.1% na yung mga na-transmit na mga boto dito sa gymnasium.
00:24Atom, baka nagtataka lang kayo, ba't kami na sa labas?
00:26E dito sa Pasig City, bawal yung mga malalaking kamera ng media doon sa loob.
00:32Pwede cellphone lang. Kaya ngayon, medyo nagsisiksikan kami dito sa labas.
00:36Dahil nakita natin, pumupunta na rito yung ibang mga kandidato na nanalo na.
00:42Nakita na natin, may sighting na tayo dito kay Congressman Roman Romulo.
00:47Ngayon, medyo malaki yung kanyang kalamangan. Laban doon kay Ian Sia.
00:51323,778,000 votes na ang meron itong si Congressman.
00:57Laban kay Ian Sia na may 15,414 plus votes lang.
01:03Ito naman sa pagka-mayor, naririnig natin ay nandito na rin sa paligid itong si Mayor Vico.
01:09Para sa kaling magproklama na si Mayor Vico Soto ay merong 326,481.
01:15Laban doon sa kanyang kalaban na si Sarah Diskaya na meron lamang 26,852 na mga voto.
01:24Kanina tinanong natin itong chairperson ng ating City Board of Convassers na si Atty. Felton Sadang.
01:30Kung ano yung mga nagiging problema ng ibang mga presinto, bakit hindi nakakapag-transmit ng voto.
01:36Meron doon ibang mga presinto, parehong District 1 at District 2.
01:39Dalawala naman distrito dito sa Pasig.
01:40Ang akala doon ng mga teacher ay nakapag-transmit na sila nung kanilang mga voto pero hindi dumating dito sa ating City Board of Convassers.
01:50Kaya ang mangyayari daw, inutusan na nitong si Atty. Sadang, yung mga teacher na dalhin na lang dito sa mismong canvassing place,
01:59dito sa gymnasium ng Rizal High School, yung kanika nilang mga memory card para dito na isasaksak at dito na babasahin yung mga resulta.
02:08Pero sabi ni Atty, nasa mga 2 to 3 percent lang daw itong mga voto na hinihintay natin or yung mga hindi pa dumarating na matransmit dito na magiging manu-mano,
02:19magiging manual na yung pagkuha ng resulta ng mga voto ng mga presinto na yun.
02:24At sa ngayon, medyo naghihintay na rito yung mga taga-suporta nung mga nanalo na or tingin nilang panalo na,
02:30baka dahil 92.1 percent na nga itong mga na-transmit na voto rito sa Pasig City.
02:37Mula rito sa Pasig City, ako si Nico Wahe ng GM Integrated News, dapat totoo sa election 2025.
02:43Nico, matanong na rin kita, 92.1 percent. Ano ang usapan dyan?
02:49Kailan daw nila in-estimate na darating yung mga inaasahan nating mga voto na hinihintay pa para magkaroon na ng proclamation?
02:56Atob, sa ngayon kasi, ang problema, yung ulan, medyo malakas yung ulan dito sa Pasig mula pa kanina.
03:08Siguro isang oras nang bumubuhos yung malakas na ulan dito sa Pasig.
03:13Tinanong din natin kanina kung anong mga presinto, yung hindi pa nakakapag-transmit or yung manumanong pupunta rito.
03:20Hindi pa tayo masagot ni Atty. Sadang dahil kailangan pa niyang tignan doon sa kanyang mga listahan.
03:25Pero kung hindi rao aabot ng mga alas-dos ng madaling araw, malamang after midnight ay makapag-proclama na sila.
03:33Tatawagan daw nila yung mga partial and official na nanalo base dito sa mga na-transmit na kapag mga 2 to 3 percent ng voto na lang yung mga natitira.
03:46Atob.
03:47Nico, paliwanag din natin kasi merong pending disqualification case laban kay Mayor Vico Soto.
03:53Ano ba yung mangyayari? Itutuloy ba yung proclamation at saka nalang isasettle yun sa COMELEC yung kasong yun?
04:06Tom, tinanong din natin yan dito kay Atty. Sadang kanina.
04:10Pero wala pa siyang mabigay sa atin na sagot.
04:14Kasi nga, yun din yung una-una natin yung ibinigay sa kanyang tanong.
04:16Dahil nakita natin, umalaki na yung lamang ay posibleng maproclama.
04:20Pero base dun sa rules ng COMELEC, kapag may pending case, dapat hindi mo na ipoproclama hanggang maklear itong mga nanalo.
04:29Okay, maraming salamat, Nico Wahe.

Recommended