00:00Yes, Igan, ilang minuto pa lang nagsisimula ang butohan dito sa Moncado Kadinglingan sa Marawi City
00:08at nagpang-abot ng ilang mga poll watchers dito sa loob ng presinto.
00:13Hindi malinaw sa ngayon kung ano ang dahilan ng nangyaring suntukan dito sa loob ng presinto
00:18pero narinig natin ng sila'y napaghiwalay na ng mga tauhan ng Task Force Marawi
00:26at maging ng PNP na nagbabantay dito sa lugar.
00:30Yan po, nakikita natin sa ating screen ay alos karambola na.
00:34Dalawang tao, dalawang lalaki ang nagpang-abot sa loob mismo ng presinto
00:40kung saan sa ngayon mga PWD at mga senior citizens pa lang ang pinaboboto.
00:46Batay dun sa narinig nating paliwanag ng magkabilang panig,
00:51ang sinasabi po ay parang hindi yata nagustuhan ng isa na may pumasok
00:55na ibang watcher na hindi raw mula sa kanilang barangay.
00:59Ang paliwanag naman ng isa ay dahil nagkasakitan kaya gumanti siya.
01:03So sa ngayon, inihintay natin kung ano ang magiging desisyon ng Philippine National Police dito
01:10at maging ng mga opisyal ng COMELEC kung palalabasin ba itong dalawang watcher na ito.
01:16Kasi sa ngayon, nakikita natin na yung nagpang-abot ay andun pa rin sa loob ng presinto
01:22bagamat todo bantay na ang mga tauhan ng Philippine National Police
01:26at maging ng Task Force Marawi.
01:29At yan ang latest mula rito sa Marawi City.
01:31Ako si Chino Gaston ng GMA Integrated News.
01:33Dapat totoo para sa eleksyon 2025.
01:37Chino, yung kaguluhan ba yan?
01:38Nakaapekto sa mga nakapilang botante?
01:40Ano yun, Igan? Sorry?
01:49Yan ang report mo, yung kaguluhan na yan, nakapektohan ba yung mga nakapilang botante?
01:55Well, sa ngayon, Igan, tuloy-tuloy naman ang pagpasok
02:02nitong mga senior citizen at maging ng mga kababayan nating PWD.
02:07Bagamat na unlot ng bahagyan, siguro tingin natin mga limang minuto
02:11ay napigilan muna ang pagpasok ng mga botante dito
02:15habang pinag-ihiwalay ang dalawang panig
02:17at para ma-establish ulit o maibalik yung kaayusan.
02:22Dahil sa kaguluhan nga, nagtakbuhan ng mga tauhan ng Philippine National Police
02:28at maging task force Marawi na nagbabantay dito.
02:30Pero sa ngayon, tuloy-tuloy na ang botohan,
02:32bagamat yun na nga, ang banggit natin ay yung dalawang watcher na nagpangabot
02:36ay narito pa rin sa loob ng voting area
02:40kung saan apat na mga eskwelahan ang nagsisilbing isang cluster area dito sa Maymarawi City.
02:47Yan ka, tanong ko kasi bakit nandung pa rin sila sa loob ng polling present?
02:53Sila ba eh, na yung mas-masa na ba, lumamig na ba ang ulo?
02:57Eh kasi iba rin yung magkatinginan uli sila eh.
03:00Ba'ng magkagulo na naman mamaya kesa ilabas na lang sila,
03:03protektado pa yung ating polling present, Chino.
03:06Tama ka dyan, Iga, bagamat yung isa na nakita natin na kasama dito sa nagkarambola nga kanina
03:17ay andyan siya sa labas ngayon, may isang tauhan ng task force Marawi
03:22ang nagbabantay sa kanya at parang medyo pinipigilan siya pumasok.
03:26Pero yung isa na nakaitim kanina, na nakita niyo dyan sa screen na kasama dyan sa nagsuntukan
03:31ay naroon sa loob ng polling precinct.
03:33Maraming salamat Chino Gaston, Marawi!
Comments