00:00Ipinakita na ng COMELEC ang National Board of Canvassers sa Maynila na nagsisilbing national canvassing venue para sa bilangan ng boto ng national candidates para sa eleksyon 2025.
00:10May malaking entablado kung saan uupo at pupuesto ang mga miyembro ng National Board of Canvassers na binubuo ng COMELEC chairman at mga commissioner nito.
00:18May mga upuan din para sa mga election observer na tututok sa halalang pambansa hanggang sa proklamasyon ng mga mananalong senador at party list.
00:27Mahigpit ang seguridad na ipinatutupad sa lugar kung saan may x-ray scanner sa nakalagay para matiyak na walang makakapasok na kontrabando o ipinagbabawal na gamit.
Comments