00:00Mula nang pumasok sa Order of St. Augustine at maging pare, malayo-layo na ang naging takbuhin sa pananampalataya ni Robert Francis Cardinal Prevost o ngayon si Pope Leo XIV.
00:12Ang napili niyang pangalan bilang Santo Papa, ano kaya ang naging inspirasyon? Nakatutok si Maki Pulido.
00:18Ipinanganak sa Chicago, Illinois noong 1955, isang BS Mathematics degree holder si Pope Leo XIV mula sa Villanova University.
00:31Pero nang marinig ang tawag ng Diyos, pumasok siya sa Order of St. Augustine noong 1977 at na-ordain na pa rin noong 1982.
00:40Pero hindi tumigil sa pag-aaral ang ngayon 69 years old na Santo Papa na may Master of Divinity at Dokterate ng Canon Law mula sa Pontifical College of St. Thomas Aquinas sa Rome.
00:52Ipinanganakman sa Amerika, naturalized Peruvian citizen si Pope Leo, dahil sa tagal ng pagiging misyonaryo roon at sampung taon pang namuno sa isang Augustinian seminary.
01:021999 siya na-assign na pamunuan ng Order of St. Augustine sa Amerika hanggang maging Prior General of the Augustinian.
01:12Sabi ng Kapo Agustino na si Father Peter Casino bilang Prior General, binago ni Pope Leo XIV ang constitution ng Order of St. Augustine para unahin ang mahihirap.
01:23Sabi ng bago nilang gabay, hindi maaaring hindi pansinin ang realidad ng maraming nagugutom, walang matirhan, walang pampagamot.
01:32Kaya isa raw sa binisita noon ni Pope Leo ay ang baseko sa Manila.
01:36Because in the world there is social inequality. There are people who live in abundance and there are also people who live in famine.
01:45And for according to our own constitutions which was issued by Father Robert Prebos, this is a skandal.
01:532023 lang nahirang ni Pope Francis bilang kardinal si ngayon ay Pope Leo XIV.
01:58Sa mga huling taon niya bilang kardinal, hindi siya nangiming pumuna tulad sa immigration policies ni U.S. President Donald Trump.
02:07Pinuna niya rin ang sinabi ni U.S. Vice President J.D. Vance na may ranking ang pagmamahal ng kristyano.
02:13Pinapakita nga nito na si Cardinal Prebos, si Pope Leo XIV, ay may kakayahang magsalita kahit sa harap ng taong may kapangyarihan.
02:24He can speak truth to power.
02:26Sa Chicago, Illinois kung saan siya isinilang buo ang pag-asa sa kanya ng mga nakakakilala.
02:33I do believe that Pope Leo XIV is going to serve with great, obviously great faith.
02:40He's a very humble, a very kind person and someone who really does look to the Lord for guidance.
02:48Matapos siyang ipakilala bilang Santo Papa, sunod ng inabanganang napiling pangalan ng nooy si Robert Francis Cardinal Prebos.
03:00Pinili niyang maging Pope Leo XIV.
03:02Sinasabing isa ang Leo sa mga pinakagamit na pangalan ng mga naging Santo Papa.
03:08Ang huling gumamit nito mula 1878 hanggang 1903 ay si Pope Leo XIII, na lumaban para sa karapatan ng mga manggagawa,
03:17kabilang ang maayos na sahod, karapatang lumahok sa mga union.
03:21Ang manggagawa ay hindi lang kasangkapan o gamit ng mga kapitalista, kundi marangal na tao na dapat aalagaan at galangin ng sino man.
03:36Yun po yung Rerum Novarum.
03:38Ibig sabihin, kinukonekta niya yung kanyang papacy kay Pope Leo XIII.
03:43Si Pope Leo XIII, siya yung unang nagsulat ng encyclical, Rerum Novarum.
03:49Konektado doon sa pasimula, sa binhi ng Catholic Social Teachings.
03:56Siseryosohin natin yung mga panlipo ng turo ng simbahan.
04:01Pero maaari ring hango ang pangalan niya sa unang Pope Leo na tinawag ding Leo the Great,
04:06ang Santo Papang personal na humarap sa mananakop na si Attila the Hun.
04:11Isusunod na ni Attila ang pagkubkub noon sa Italia, kabilang ang Vatican,
04:15pero nakumbinsi siya ni Pope Leo I na huwag yang ituloy.
04:19I can imagine that Pope Leo XIV will take after this justice in the world,
04:27special love and care for the victims of injustice,
04:31protective love like a father for victims of injustice and terrorism and war.
04:41Para sa GMA Integrated News, Makipulido na Katutok 24 Horas.
04:49Outro music.
04:54Outro music.
Comments