00:00Unang-una po na maipapayo ng administration, maging mapanuri. Unang-una po ay maging mapagmatsyag at huwag niyo pong ibenta ang inyong dignidad.
00:14Huwag ibenta ang bansa sa ibang mga bansa na maaaring may interes dito sa ating teritoryo, sa ating soberenya.
00:30Huwag ibenta ang bansa sa pamamagitan ng pagiging keyboard warrior. At ang tanging maging trabaho o goal ay gumawa ng fake news para sirain at maging negatibo ang taong bayan sa ating Pangulo at sa pamahalaan.
00:52Iwasan po natin hanggat maari ang makinig, manood, nang alam natin na ang content ay puro pagbatikos sa pamahalaan ng walang ebidensya.
01:08Maaari pong bumatikos, maaari pong punahin ang ating pamahalaan hanggat may ebidensya.
01:16Hindi po yan isinasara ang pinto.
01:19Ang pintuan po ng pamahalaan ay hindi naman po hahadlangan ang anumang mga kritisismo hanggat mayroong pong basihan.
01:27Ang ingatan lang po natin ay ang mga fake news peddlers.
01:34Labanan po natin ang fake news para kayo po ay magkaroon na magandang desisyon sa Mayo a 12.
Comments