00:00Tuloy-tuloy na suporta sa pangailangan ng mga OFW at maging sa kanilang mga pamilya
00:05ang pinaigting ngayon ng Department of Migrant Workers o DMW
00:09sa pamagitan niya ng ilang mga programa.
00:12Si Bien Manalo ng PTV sa Balitang Pambansa, Bien.
00:16Alan, pinaigting pa ng Department of Migrant Workers ang kanilang mga programa
00:20na kakalinga taagapay sa mga tinaguriang bayani
00:24sa makabagong panahon ng ating magigiting na overseas Filipino worker
00:27at maging sa kanilang pamilya.
00:29Nabilang na dyan ang mas pinalakas na National Reintegration Program ng ahensya.
00:34Katuwang ng DMW sa programa ang ilang concerned government agencies.
00:38Bahagi nito ang pagbibigay ng psychosocial at psychological support
00:41mula sa Department of Health, pagkahatid ng business mentoring
00:45at financial literacy seminar na nakapaloob sa kanilang business development plan.
00:50Pagkakaloob ng skills training program na hatid naman ng TESDA
00:53at ang pamamahagi ng tulong pinansyal at livelihood support
00:56lalo tigit sa mga distressed worker.
00:58Sa tala ng DMW, as of March 2025, may git 40,000 OFWs na ang nahatiran ng tulong
01:05sa ilalinyan ng National Reintegration Center.
01:08Alinsunod na rin ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcus Jr.
01:12na pangalagaan ang kapakanan at karapatan ng bawat OFW.
01:16Alan, nagsasagawa naman ng quarterly review ang DMW para masuri kung nakatutulong ba
01:21ang reintegration services sa pagunlad ng buhay ng bawat OFW.
01:25Samantala, hinihikayat naman ng DMW ang lahat ng OFW na bisitahin
01:30o magtungo sa DMW office o sa mga DMW regional office
01:34malapit sa kanilang lugar para ma-avail ang kanilang reintegration services.
01:39At yan ang update. Balik sa iyo, Alan.
01:42Maraming salamat.
01:43Bien Manalo ng PTV.