00:00Muling binuksan ng Department of Transportation o DOTR
00:03ang application para sa consolidation sa ilalim ng PUV modernization.
00:09Nilagdaan ni DOTR Secretary Vince Dizon
00:11ang Department Order No. 2025-009
00:16kung saan pinapayagang sumali sa consolidation
00:18ang mga operator ng Public Utility Jeepney o PUJ
00:22at UV Express o UVE
00:24sa mga rutang may hindi bababa sa 60% na antas ng consolidation.
00:30Maaari ding bumuo ng bagong transport service entities
00:33o sumali sa umiiral na TSE
00:36sa mga rutang may mas mababa sa 60% na antas ng consolidation.
00:41Matatandaang itinakda ng DOTR
00:43ang original na deadline ng consolidation noong Nobyembre ng 2024.
00:49Ayon sa LTFRB, umabot sa 86%
00:52ang kabuang bilang ng mga operator
00:54ang nakibahagi ng consolidation ng pamahalaan.
00:57Gayunman, kinumpirma ni Secretary Dizon
01:00na 43% lamang sa bilang na ito
01:03ang aktwal na naaprubahan ng LTFRB.