00:00Ito ang GMA Regional TV News!
00:06Ngayong papalapit ang eleksyon 2025,
00:10nagpakalat ng dagdag na tauhan ng Philippine Army at Philippine National Police sa Mangaldan, Pangasinan.
00:1550 police ang inatasang magbantay sa mga voting precinct
00:19at sa mga gagamiting automated counting machines o ACM kapag naipadala na ang mga ito.
00:25Katuang naman ang mga sundalo sa pagpapanatili ng kapayapaan sa Mangaldan
00:28na nasa Yellow Category Area of Concern.
00:32Ayon sa COMELEC, Yellow Category ang isang lugar kapag may naitalang election-related incident
00:37sa nakalipas na dalawang eleksyon o kaya ay may matinding away politika.
00:42Sa Davao City naman, naipadala na sa ilang voting centers
00:46ang mga gagamiting ACM para sa final testing and sealing ngayong araw.
00:50Ang mga ACM naman na gagamitin sa malalayong barangay,
00:54dinala muna sa sentro ng lungsod.
00:56Itutuloy ang delivery ng mga makina kapag tapos na ang final testing and sealing.