Magkano ang boto mo? Dahil Eleksyon na naman, natural lang na mapag-usapan ang pagbili ng boto. Ilegal na gawain pero hindi masugpo ng COMELEC dahil na rin siguro sa lawak ng Pilipinas at dahil na rin siguro sa mga Pilipino na rin mismo. Dahil ginagamit ang kahirapan ng mga Politiko kaya may nakakabili ng Boto. Sa panahon ng Eleksyon ito na rin ang isang pagkakataon para kumita ang mga ordinaryong Pilipino lalo na yung mga walang trabaho.
Napag-usapan sa Kampanya ni Dating Mayor Isko "Yorme" Moreno ang pagbili ng boto ng magtalumpati ang Bise Presidente Sara Duterte. Sinabi nya na sa Bacolod ay P2000 to P3000 ang bilihan ng boto kaya lugi ang mga taga-Maynila na nasa P1300 ang kabuuang natatanggap. Binanggit din ni VP Sara na maging mapanuri sa iboboto at iboto ang kayang maglingkod sa bayan.
Comment lang kung ano ang opinyon mo dito kaibigan. duterte #election #vote #vpsara