00:00Isinalang sa training ang mga medical workers sa Eastern Visayas para makapagbigay ng efektibong servisyo sa mental health ng mga residente ng rehyon.
00:09Ang detalya sa Balitang Pambansa ni Jasmine Kate Agosto ng Philippine Information Agency, Leite.
00:15Sa kabila ng pagkakaroon ng labing-anim na registered psychiatrist sa Sinilangan, Visayas, idinaan sa puspusang pagsasanay ang mga health workers upang makapagbigay ng basic mental health services sa publiko sa pangunguna ng Department of Health o DOH dito sa rehyon.
00:34Kasabay ng tuloy-tuloy na paghikayat sa mga medical aspirants na ipagpatuloy ang larangan ng psikiyatriya, ipinaalam din ng DOH sa karamihan na maaari ng pumunta sa pinakamalapit na health center upang makapagpakonsulta ng kanilang mental health issues ng walang bayad.
00:51Ayon kay Winnie Dorejo, Regional Mental Health Program Coordinator ng DOH, 100% na ng mga medical facilities ng rehyon ang sumailalim sa Mental Health Gap Action Program na inilunsad ng World Health Organization at minangunahan ng DOH upang magkaroon ng kakayahan na magkapag-usap sa mga taong may dinadalang mabibigat na problema sa pang-araw-araw.
01:13Sinusuportahan din ito ng Philippine Health Insurance Corporation o ang PhilHealth sa pamamagitan ng pagpupondo ng gastusin sa mga iniresetang gamot at sa ibang naging resulta ng pagsusuri sa kanila.
01:25The medications are free. Yung mga health facilities po, may reimbursement sila gano'ng sa PhilHealth at kung ano man ang kukuha po nila sa PhilHealth, ito ay funds po nila para po sa pagbili ng gamot, pag-train ng kanilang mga personnel doon para mas mapangaganda pa ang kaalaman at ang servisyo para sa lahat.
01:46Ipinapaalala rin ng DOH sa bawat local government units na magsagawa sa tanika nilang mga lugar ng ordinansa na magtataguyod sa inisyatibang ito.
01:57Mula sa Philippine Information Agency, Leite, Jasmine Kate Agosto, Balitang Pambansa.