00:00Nagsagawa ng kilos protesta ang ilang grupo sa Maynila kasabay ng Labor Day.
00:04Isa sa kanilang panawagan, aprobahan ng dagdag na 200 pesos sa minimum wage.
00:10Yan ang ulat ni Noel Talacay.
00:14Sa isinagawang rally ngayong Labor Day sa Recto Avenue, Maynila,
00:18ang dagdag 200 pesos sa kasalukuyang minimum wage,
00:22ang sigaw pa rin ng ilang labor group.
00:25Sa kasalukuyan ay may sinusulong ng batas dito sa House of Representatives
00:29at lusot na sa ikalawang pagbasa.
00:32Kaya naman, umaasa rin ang ilang grupo na makakalusot rin ito sa 20th Congress.
00:38Siyempre, si Speaker Romualdez sa kanyang pagsuporta.
00:46Parang special lane yung pag-endorse ni Speaker.
00:49Kami po'y nagpapasalamat kay Speaker Martin Romualdez
00:53na siya ang nag-commit na ito pong 200 ipapasa po ng House of Representatives.
00:59Kapansin-pansin din ang mga placard na mga kumakandidato sa Senado at House of Representatives.
01:05Hindi man umabot ang mga rallyista sa Mendiola.
01:09Umaasa naman ang ilang grupo na maririnig din sila ni Pangulong Ferdinand Marquez Jr.
01:14Kaya kami nananawagan kami sa Pangulo, i-certify as urgent para mapabilis po natin
01:20kasi i-re-reconcile pa ng Senado at ng House yung kanilang wage hike versions.
01:25Hindi naman maiwasan maabala ang mga motorista sa traffic na idinulot ng nasabing kilos protesta
01:32ng mga manggagawa dahil sarado ang kalsada ng Recto Avenue at Ligarda.
01:37Oo nga po, hindi namin di maintindihan kung bakit ano ba pinaglalaban nila.
01:42Parun yung sumata sa inyo?
01:43Opo, ganitong matraffic.
01:46Nakabarikada naman ang mga polis sa lahat ng daanan papuntang Mendiola.
01:51Noel Talakay para sa Pambasang TV sa Bagong Pilipinas.