00:00Malaki ang chance ang tumaas ang Trust at Performance Ratings si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:05dahil sa malaking epekto ng mga ipinatutupad ng mga programa ng administrasyon para sa mga Pilipino
00:11gaya ng pagbibenta ng murang bigas.
00:13Ang detalya sa Bilit ng Pambansa ni Clazel Pardilla ng PTV Manila.
00:20Pinauubos na ni Lani ang biniling bigas na karaang linggo.
00:24Simula kasi bukas, palalawigin na sa Metro Manila ang pagbibenta ng BBM Rice o 20 bigas meron na sa NCR.
00:34Ito ang ting 20 pesos per kilo ng bigas na alok ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:42sa mga kadiwan ng Pangulo na tiyak na pipilahan ni Lani.
00:46Sa isang kilo po, bali nagbibili po kami minsan 60, tapos 20 po yung isang kilo po, bali 40 po yung matitipit po namin doon sa 20.
00:55Makagaan po yung saan. Gaya po namin na ano, gipit din minsan, ganun po.
01:01Ngayong araw kasabay ng pagdiriwang ng Labor Day, muling tiniyak ni Pangulong Marcos ang paggawa ng mga hakbang na makatutulong sa mga Pilipino.
01:12Batid namin ang pagsubok na inyong kinakaharap. Kaya gumagawa kami ng mga hakbang upang maibsan na ang pasanin ng ating mga kababayan, lalo na sa usaping pagkain.
01:26Nitong Marso, itinakda natin ang maximum suggested retail price or MSRP ng imported rice sa 45 piso kada kilo lamang.
01:37Sisimulan na rin po natin ang programa upang pababain ang presyo ng bigas sa 20 piso kada kilo.
01:46Ayon sa tugon ng masa survey ng Okta Research, nararamdaman na ng pinakamahirap na Pilipino ang mga programa ng pamahalaan.
02:00Mula 60% ang November 2024. Umangat sa 66% ang bilang ng mga nasa Class E o pinakamahirap na Pilipinong nagsabing tiwala sa pamuno ni Pangulong Marcos ngayong buwan ng Abril.
02:17Sumampa rin sa 66% mula 58% ang naghayag na kontento sa performance ng presidente mula sa parehong sektor ng lipunan.
02:27Sa Class E, sa pinakamahirap, sa trust at performance, tumuas ko si presidente.
02:35I think nakatulong talaga dyan yung mga inisyatiba para sa mga may hirap.
02:40Eh siguro yung mga pro-poor initiatives, yung sa CCT, Pantawid Pamilya, malaking tulong yan.
02:50So nakikita ng mga may hirap sa ating bansa na meron, meron ginagawa yung gobyerno.
02:57Tingin ang Okta Research, tataas pa ang trust at approval ratings ni Pangulong Marcos sa mga susunod na buwan.
03:05More than 50%, close to 60% po ay urgent concern po yung presyo ng bilihin.
03:10Pangalawa, yung trabaho.
03:12Pangatlo, ito malaking isyo to sa mga kababayan natin, affordable food.
03:19Malaki dyan isyo sa affordable food, yung presyo ng bigas.
03:24Makakatulong ba itong pagbaba?
03:28Subsidiya sa bigas para sa mga may hirap, talagang makakatulong.
03:31Bukod sa implementasyon ng BBM Rice, palalawigin din ang administasyon ni Pangulong Marcos ang walang gutom project sa Visayas at Mindanao.
03:42Ipagpapatuloy ang pagsasagawa ng mga job fair, susuportahan ang mga magsasaka sa tulong ng Rice Competitiveness Enhancement Fund
03:50at magtatayo ng mga child development center para matutukan ang edukasyon ng mga kabataan.
03:57Kalaizal Pordilia para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas!