00:00Kabilang ang mga Pilipinong Kardinal at pari sa mga patuloy na nagdadalamhati sa pagpanaw ni Pope Francis,
00:06tulad ni Luis Antonio Cardinal Tagle na nagdaos ang visa sa Pontificio Collegio Filipino sa Rome, Italy.
00:13May unang balita si Vicky Morales.
00:17Saktong isang linggo na mula nang binulabog tayo ng balitang na maalam na si Pope Francis.
00:23At isang araw matapos siyang ihimlay, binisita namin ang mga kababayan nating Kardinal at pari dito sa Roma
00:32para makimisa at magpaalam na sa kanila bago kami bumalik ng Maynila.
00:37Nandito po tayo ngayon sa Pontificio Collegio Filipino.
00:40Dito po naninirahan ang mga Kardinal kapag nandito sila sa Roma.
00:44At dito rin pangungunahan ni Cardinal Tagle ang isang misa.
00:48Nang magsimula na ang kanyang homily, sinabi ni Cardinal Tagle na nananaig ang kasamaan
00:54dahil mas kinakalat ng tao ang bad news, imbes na yung mabubuting nangyayari sa ating kapaligiran.
01:01Pagkatapos ng misa, nilapitan siya ng mga bisita at kitang-kita ko sa mga mukha nila
01:06yung labis na tuwa na makasama siya.
01:10At bagamat may kasunod pa na meeting, naglaan siya ng panahon para pagbigyan ang hiling na selfie ng bawat isa.
01:17Pinaabot ko ang aking pakikiramay sa pagkawala ng Santo Papa.
01:22Bago siya umalis, niyakap ko siya at binulong ko na sana kumain pa siya.
01:28Napansin ko kasing tila nangayayat na siya mula nang mawala ang Santo Papa sa buhay niya.
01:34Binati naman niya ako ng good luck at sinabing, sige, kakain siya.
01:40Mula sa Rome, Italy, Vicky Morales para sa GMA Integrated News.
01:46Kapuso, huwag magpapahuli sa latest news and updates.
01:50Mag-iuna ka sa malita at mag-subscribe sa YouTube channel ng GMA Integrated News.
Comments