00:00Samantala may handog na libreng sakay sa Sabado ang DSWD,
00:04katuwang ang MRT-3 at LRT-2 para sa mga solo parent kasabay ng pagdiriwang ng Solo Parent Week.
00:12Yan ang ulit ni Noelle Talakay.
00:15Tatlong taon nang tinataguyod mag-isa ni Nanay Hania ang kanyang anim na taong gulang na anak
00:22at hindi ito naging madali para sa kanya.
00:24Kaya naman bilang pagpupugay para sa mga solo parent na tulad ni Nanay Hania
00:43magbibigay ng libreng sakay ang Department of Social Welfare Development o DSWD
00:49sa Sabado, April 26, 2025.
00:52Katuwang nito ang Metro Trail Transit Line 3 o MRT-3
00:57at ang Light Rail Transit Authority o LRT Line 2.
01:01Yes po, papakita lang po nila yung kanilang SPIC o yung Solo Parent Identification Card.
01:08So once you present, padadaanin na po kayo, libre na po yung inyong sakay.
01:13So MRT and LRT Line 2.
01:16Bahagi ito ng pagdiriwang ng ahensya ng Solo Parent Week.
01:21Isa rin sa mga aktividad nito ay ang pagsasagawa ng isang one-stop shop caravan sa lungsod ng Mandaluyong
01:28kung saan lahat ang mga solo parent ng Metro Manila ay pwedeng kumuha ng solo parent ID
01:33at iba pang mga servisyo mula sa iba't ibang ahensya ng pamahalaan.
01:37May one-stop shop caravan po tayo kung saan makakapag-apply po yung ating mga solo parents
01:46ng kanilang ID during that time and then they can also apply for PhilHealth
01:52kung wala pa silang PhilHealth ID and doon din po yung mga test.
01:56So lahat po ng national government agencies ay nandun po.
02:00Ayon sa National Council for Solo Parent, dapat bigyan ng importansya ang mga solo parent ng bansa
02:07dahil hindi madali ang pagpapalaki ng mga anak mag-isa sa bayan pa ng panghuhusga ng lipunan.
02:13Hindi lahat ng tao pwede maging solo parent.
02:16Only the strongest can become solo parents kasi kaya nilang buhay, kaya nilang lampasan lahat ng mga challenges.
02:25So be proud, be proud because not everybody can do what solo parents can do.
02:29Ayon sa DSWD, pinagdiriwang ang National Solo Parent Week sa bansa tuwing ikatlong linggo ng Abril taon-taon.
02:37Noel Talakay para sa Pambasang TV sa Bagong Pilipinas.