00:00Bumunan ang Election Task Force sa Department of Education bilang suporta sa mga gurong magsisilbi sa darating nahalalan.
00:07Yan ang ulat ni Kenneth Pasyente.
00:11Upang tiyakin ng maayos, ligtas at makatarungang eleksyon sa bansa,
00:15inilabas ng Department of Education ang DepEd Memorandum No. 37
00:19na naguutos sa pagbuo ng 2025 DepEd Election Task Force o ETF.
00:24Bahagi ng mandato ng DepEd sa ilalim ng Election Service Reform Act,
00:27ang pagtatalaga ng mga pampublikong guro bilang miyembro ng Electoral Board.
00:31Ang kanilang partisipasyon ay may kaakibat na kompensasyon at proteksyong legal.
00:35Dagdag pa rito, tinukoy sa memo ang pondong inilaan para sa operasyon ng ETF ngayong taon.
00:41Ang bagong task force ay magiging aktibo sa tatlong antas,
00:44Central Office, Regional Offices at Schools Division Offices.
00:48Bawat antas ay magkakaroon ng sarili nitong ETF Operations Center
00:52na tututok sa real-time monitoring, assistance at legal support.
00:56Sa Central Office, ang task force ay bubuuin ang Steering Committee,
00:59Technical Working Group o TWG at support teams.
01:03Itatatag naman ang pangunahing Election Command Center ng DepEd sa Makati
01:06na bukas mula alauna ng hapon ng May 11 hanggang ala 5 ng hapon sa May 13.
01:12Nilinaw din sa memo ang mga benepisyo ng mga miyembro ng ETF
01:14na maaaring makatanggap ng onorarya
01:17o di kaya ay mag-claim ng overtime pay o ng compensatory time off.
01:21Mahigpit namang pinaalalahanan ng DepEd officials at personnel
01:24na umiwas sa electioneering at pangangampanya
01:27upang mapanatili ang integridad at non-partisan na papel ng DepEd
01:31sa panahon ng eleksyon.
01:32Muli namang tiniyak ng kagawara ng kapakanan ng mga guro
01:35na magsisilbi sa papalapit na eleksyon.
01:38Sa ilalim kasi ng Memorandum of Agreement na pinirmahan
01:40sa pagitan ng DepEd, COMELEC, Armed Forces of the Philippines,
01:44Philippine National Police at iba pa,
01:45maglalaan ng legal at medikal na tulong
01:47para sa mga guro at kawani
01:49na itatalaga sa election service.
01:51Pinaiigting din nito ang koordinasyon
01:53sa pagitan ng mga ahensya upang masiguro
01:55ang kanilang kapakanan.
01:57Nangako rin ang Integrated Bar of the Philippines o IBP
02:00na magbibigay ng legal na tulong sa mga guro
02:03na maaaring harapin ang reklamo
02:05kaugnay ng kanilang pagtupad
02:06ng tungkulin sa halalan.
02:08Kenneth Pasyente
02:10Para sa Pambansang TV
02:12sa Bagong Pilipinas
02:14sa Pambansang TV
Comments