00:00Samantala, nakabalik na sa bansa ang BRP Gabriela Silang matapos sa matagumpay na pagbisita sa tatlong bansa.
00:06Ayon sa Philippine Coast Guard, patunay ito na epektibo ang ipinatutupad ng modernization program ng pamahalaan.
00:13Nagbabalik si JM Pineda sa sentro ng balita.
00:18Matagumpay na dumaong ang BRP Gabriela Silang sa Port of Manila, pasado ala 6 ng umaga,
00:23matapos ang pagbisita sa tatlong bansa nito manakaraang linggo.
00:26Thailand ang naunang destinasyong pinuntahan ng Philippine Coast Guard.
00:29Kung saan nagkaroon dito ng mga exercises at pagsasanay na magpapatibay sa relasyon ng dalawang bansa.
00:36Nagsagawa din ang mga bilateral talks ng Thailand at Pilipinas para sa pagpapalakas din ng koneksyon,
00:41lalo pa at miyembro ang dalawang bansa ng ASEAN Coast Guard Forum.
00:44Pinag-usapan din ang mga bansa ang mga susunod pang kolaborasyon na magbibigay ng people-to-people exchange.
00:50Kasunod naman na dinaungan ang BRP Gabriela Silang ay ang Malaysia.
00:54Dito ay nagkaroon ng mga courtesy calls ang PCG sa mga kawaninang bansa at kay Philippine Ambassador to Malaysia,
00:59Maria Angela Ponce.
01:01Bukod saan, may mga tabletop exercises din na ay sinagawa ang dalawang bansa,
01:05kasabay din yan ang mga ship tour sa mga barko ng Malaysia.
01:09Sa Vietnam naman, ang huling naging destinasyon ng PCG.
01:12Dito ay nagsagawari ng mga bilateral talks at pagpupulong ang Vietnam at Pilipinas para magpalakas pa ng koneksyon sa bawat isa.
01:19Ayon kay PCG Commander Admiral Ronnie Hilgavan, malaking bagay para sa ahensya ang mga ganitong aktibidad.
01:25This is consistent with our strategy to engage our neighbors to pursue cooperation on Coast Guard to Coast Guard matters.
01:38But in a more deeper meaning, for a deeper meaning, we just relieve the values of our forebears that we are a peace-loving, resilient and excellent mariners.
01:51Patunay rin daw ito na efektibo ang modernization program ng pamalaan sa hanay ng Coast Guard dahil sa mas naging malawak ang kakayaan nito na makapaglayag ngayon.
02:00Kaya na nating maglibot sa Southeast Asia na hindi apektado gaano yung ating domestic operations.
02:10We already have the appropriate type of ships.
02:15Of course, we are still modernizing. We are still acquiring more ships.
02:19BRP Gabriela Silang actually represents the largest offshore patrol vessel.
02:25Target din ang PCG na daungan at kumpletuhin ang bansa sa Southeast Asia sa mga susunod na taon.
02:32Dagdag pa ni Gavan na mensay ito para sa buong mundo na ang Philippine Coast Guard ay nagpapatupad ng kapayapaan sa karagatan at sumusunod sa International Maritime Law.
02:41Samantala, kinumpirma naman ang PCG na dalawa na lang ang hinahanap sa sampung nawawalang sakay ng lububog na barko sa Mindoro.
02:48Tiniyak ng ahensa na patuloy silang magsasagawa ng search and rescue operation sa lugar para makita ang dalawa pang nawawala.
02:55Nakatakda naman na magsagawa ng investigasyon ng PCG sa nangyaring pagtaod ng dredging vessel pagtapos ng isinasagawang search and rescue.
03:03J.M. Pineda para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.