00:00Nasa Pilipinas na ang anti-ship missile system ng Amerika na gagamitin sa Balikatan Exercises ngayong taon.
00:08Di tinukoy ni Balikatan Exercises Director Michael Logico ang lokasyon ng Navy Marine Expeditionary Ship Interdiction System o Nemesis,
00:18isang anti-ship missile system na ginagamit mula sa kalupaan.
00:22Unang inanunsyo ni U.S. Defense Secretary Pete Hegseth ang pagpapadala nito sa pagbisita niya sa bansa nitong Marso.
00:31Tinanong naman ang Amerika kung mananatili ang Nemesis sa Pilipinas pagkatapos ng Balikatan,
00:37gaya ng Typhoon Missile System na pinadala rin para sa military exercises noong 2024 at ilang beses nang inalmahan ng China.
00:47Sabi ni Colonel Doe Krugman ng U.S. First Marine Expeditionary Force,
00:53depende yan kung kailangan ang Nemesis sa mga susunod na pagsasanay sa bansa.
01:17Terima kasih telah menonton!
Comments