00:00Approvado na ng Malacanang ang half-day work-from-home setup sa mga ahensya ng gobyerno ngayong Holy Wednesday o April 16.
00:09Batay sa Memorandum Circular No. 81 na pirmado ng Executive Secretary Lucas Bersamina,
00:15work-from-home ang setup mula alas 8 ng umaga hanggang alas 12 ng tanghali.
00:20Suspendido na ang trabaho mula tanghali ng nasabing araw.
00:24Layunin anya ng palasyo na bigyan ng sapat na oras sa mga empleyado ng gobyerno para makauwi sa mga probinsya at makapagnilay ngayong Semana Santa.
00:33Samantala, hindi naman kasali sa nasabing kautosan ng mga tanggapan o ahensya na nasa basic services tulad ng kalusugan at emergency response.
00:42Habang, pinaubayan naman ng palasyo sa mga pribadong kumpanya ang desisyon kung magpapatubad sila ng kaparehong kautosan para sa kanilang mga kawani.
Be the first to comment