00:00Sa kauna-unahang pagkakataon, mas maraming babaeng atleta ang lalahok sa magaganap na Olympics sa 2028 Los Angeles Summer Games.
00:08Ito'y matapos aprobahan ng International Olympic Committee o IOC na gawing 16 ang teams sa women's football at 12 naman para sa men's team.
00:18Dahil sa disisyong ito, umabot sa 50.7% ang kabuwang porsyento ng mga babae sa lahat ng atleta, katumbas ng 5,333 female athletes kumpara sa 5,167 male athletes.
00:34Isinama rin sa program ang bagong sports tulad ng cricket, flag football at lacrosse.
00:41Nagdagdag din ng dalawang teams sa women's water polo para pantay sa men's tournament na may labing dalawang bansa.
00:47Mula noong 1996, Atlanta Olympics, walo lamang ang teams ng kababaihan sa football habang 16 naman sa kalalakihan.
00:56Ngayon, tinupad na ng FIFA at ng IOC ang matagal ng panawagan para sa gender equality.
Comments