00:00Malawakang oplan baklas, ikinasan ng Comelec ngayong araw kasabay ng pagsisimula ng local campaign period.
00:06Samantala, babantayan na rin ng Comelec ang mga airtime o advertisement ng mga kandidato sa televisyon,
00:13radyo, diyaryo, at social media. Si Bernard Ferrer sa Centro ng Balita.
00:20Napuno ng illegal na campaign materials ang truck ng MMDA sa Tayuman sa Lungsod ng Maynila.
00:26Bahagyito ng oplan gran baklas na naglalayong alisi ng mga campaign materials na lumabag sa mga panuntunan ng Comelec.
00:32Ito rin kasi ang unang araw ng kampanya ng mga lokal ng kandidato para sa hathol ng Bayan 2025.
00:39Ayon kay Comelec Sherman George Garcia, matagal lang itong hinintay dahil noon ay mga aspirant pa lamang ang mga politiko,
00:45ngunit ngayon ay opisyal na silang kandidato na kailangang sumunod sa mga alituntunin ng ahensya.
00:51Ang mga nabaklas sa campaign posters ay idodonate sa Bureau of Jail Management and Penology para ma-recycle.
00:56Simula bukas magpapadala na ng sulat ang Comelec sa mga kandidato upang ipabaklas ang kanilang campaign materials na nakalagay sa maling lugar.
01:04Kung hindi pa rin sumunod, makalipas ang tatlong araw, magpapalabas ang Comelec ng shokos order.
01:10Maari humantong ito sa pagkakadiskwalitika o election offense na may kaukulang parusang pagkakulong ng isa hanggang aling na taon.
01:16Sana po matrain niyo muna yung mga nagkakabit kung saan ang tamang lagay yan,
01:21ano ang dapat na paglalagyan, ano ang size ng mga campaign materials na ilalagay.
01:26Kasi nga po, basta pinabayaan natin, talagang ilalagay yan kahit saan.
01:30Sa mga magkakabit naman ng posters sa private property,
01:33pinapayon ng Comelec na limitahan ito sa 2x3 meters at gumamit ng environmental-friendly materials.
01:38Hinikahit naman ng Comelec ang publiko na i-report ang mga iligal na campaign materials na mayikita sa kanilang mga lugar.
01:44Mahigpit ng babantayan ng Comelec ang airtime o mga advertisement ng 44,000 kandidatos sa televisyon,
01:50radyo, diyaryo at maging sa social media upang matiyak na maisasama ito sa kanilang statement of contributions and expenditures or sose.
01:58Kasi sa unang araw pa lang may gasto sila.
02:00Yan ba ay nai-report? Yan bang mga donation ay naisama? Yan bang mga ginastos ay naisama?
02:06May natira ba? At yan bang natira binayaran ng income tax sa ating BIR?
02:11Nagpaalala ang MMDA na hindi sila magbibigay ng permit para sa motorcade sa mga kalsada na nasa ilalim ng kanilang horisdiksyon
02:18tuwing weekdays upang maiwasan ang pagbigat ng trapiko.
02:22Papayagan lamang ang motorcade tuwing weekends at holidays.
02:25Itinaasama ng Philippine National Police sa heightened alert status ang kanilang hanay
02:29upang matiyak ang siguridad sa pagsisimula ng kampanya ng mga lokal na kandidato.
02:33Sa Maynila, maagang nagsimba si Mayor Hani Lacuna kasamang kanyang mga kapartido sa Our Lady of Fatima Church sa Bacoon, Santa Mesa.
02:40Nagmotorcade naman si Sco Moreno sa Road 10 kasamang kanyang mga kapartido.