00:00Good news mga kapuso commuter, magsisimula na bukas ang operasyon ng Phase 1 ng LRT Line 1 Cavite Extension.
00:08Mayulat on the spot si Joseph Morong. Joseph?
00:14Aarangkada na nga itong Phase 1 ng LRT Line 1 Cavite Extension simula bukas.
00:20At sa ngayon nga ay nandito tayo ngayon sa Dr. Santos Station.
00:23Ito yung pinakadulo na stasyon nitong South Extension.
00:27At sa mga oras na ito ay nakahandana yung mga pasilidad ng stasyon.
00:33At kung makikita nyo ay nakahandana. Ito yung mga magbibenta ng tickets simula bukas.
00:38At kung kayo ay manggagaling dito sa Dr. Santos Station at kailangan nyo pumunta sa Quezon City,
00:46sa Fernando Poe Jr., yun yung pinakadulo, ay P45 pesos lamang ang inyong magiging pamasahe.
00:52At mismong si Pangulong Bongbong Marcos ang nag-annuncion yan kasabay ng kanyang pagpapasinaya sa proyekto.
00:58Las 5 ng umaga ang start ng operasyon ng LRT Line 1 Cavite Extension.
01:04Limang stasyon ang madadagdag sa kasalukuyang LRT Line 1.
01:09Mula sa pinakadulong stasyon na Baclaran Station, madadagdagan yan ng Redemptor Station,
01:15Mia Station, P-TEX Asiana Station, Naya Station, at ang pinakadulong Dr. Santos Station dito sa Paranaque.
01:22Ayon sa Pangulo, ay alas 5 ng umaga bukas magsisimula ang operasyon.
01:26Yun nga lamang, ay wala munang inanunciong libreng sakay para bukas.
01:31Nasubukan ng Pangulo ang bagong dagdag na linya mula Dr. Santos hanggang sa Redemptoris sa Baclaran
01:37at tinatayang 10 hanggang 15 minuto ang itinakbo ng tren.
01:42Malamig din, Connie, at maliwalas ang Generation 4 na train sets.
01:47Narito naman ang pahayag ng Pangulo.
01:53Hinihikayad ko lahat ng ating mga commuter,
01:57subukan ninyo at makikita ninyo napakaginhawa
02:01kumpara sa traffic na nararanasan natin araw-araw.
02:05Connie, doon sa mga nagtatanong, ang tawag natin dito ay Cavite Extension pero hindi tumutong-tong ng Cavite.
02:14Yan ay dahil nagkakaroon ng problema doon sa right-of-way para doon sa Phase 2 at 3 ng Cavite Extension.
02:22Ito yung sa Las Piñas, Sapote at doon sa pinakadulo sa New York sa Cavite.
02:28Ang pagtitiyak naman ng Pangulo at ng DOTR ay re-resolvihin ang right-of-way issues
02:32at susubukan nila na masimulan ang konstruksyon sa susunod na taon.
02:37Connie?
02:38Marami salamat, Joseph Morong.
02:41Bistado, ang isa umanong iligal na minahan sa Opol, Misamis Oriental.
02:46Labing tatong lalaki ang nahuli sa minahan na nag-ooperate sa barangay Limunda.
02:51Nadeskubre doon ang mahigit sandaang sako ng mineral,
02:54kasama ang mining materials at isang bote ng hinihinalang mercury.
02:59Susunod na araw, naaktuhan sa kaparehong barangay ang pagkakarga
03:03na ngaabot sa isang kalakating milyong pisong halaga ng mineral sa isang dump truck.
03:08Inaresto ang driver at pahinante na walang maipakita ang permit.
03:12Walang pahayag ang lahat ng mga naaresto na nahaharap sa reklamong paglabag sa Philippine Mining Act of 1995.
03:21Tatlo ang sugatan matapos mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang utility van sa Pulomolok, South Putabato.
03:28Ayon sa mga polis, nawalan ng kontrol ang driver nito at bumanga ang sasakyan sa isang barrier bago dumiretso sa bangin.
03:36Inaalam pa kung human error o mechanical error ang sanhi ng disgrasya.
03:41Kabilang ang driver, sa dalawang kritikal ang lagay sa ospital matapos maipit.
03:46Patuloy pa ang investigasyon.
03:49Imbi sa kalsada sa Palayan, dumadaan ang ilang residente sa kagayaan
03:54matapos pumuho ang isang tulay na nagkokonekta sa mga bayan ng Santa Ana at Gonzaga.
03:59Ang mainit na balita hatid ni Jasmine Gabrielle Galban ng GMA Regional TV.
04:07Maayos na ang lagay ng panahon sa probinsya ng kagayaan matapos na manalasa kahapon ang bagyong offer.
04:13Pero ang problema sa ngayon ng mga kababayan po natin ay ang naputulho na San Jose Bridge.
04:21Ito ho yung tulay na kumokonekta sa bayan ho ng Santa Ana at sa bayan ho ng Gonzaga.
04:28Naputul ho yung tulay mga kapuso, nasira ho yung tulay matapos ho yung malakas na current ng tubig
04:34at yung mga naglalakihan po ng mga troso.
04:38At ang problema mga kapuso, kabilaan po yan eh, gitna lang po ng tulay yung natira.
04:44Magkabilang side po yan ay nasira, kaya't marami po tayong mga kababayan ang nastranded sa ngayon, hindi po makatawid.
04:55Especially sa mga sasakyan po talagang hindi po kaya, hindi po talaga makatawid.
04:59Kaya ang ginagawa ngayon ng ating mga kababayan, especially yung may mga importante talagang pupuntahan
05:05at kailangan po na makatravel, ay naglalakad po sila.
05:11From kalsada po sila ay bumababa dito po sa may palayan.
05:16At sila ho ay naglalakad, at saka akit po sila sa kabilang side ng kalsada.
05:23Patuloy po nating aalamin kung ano bang habang ng local na pamahalaan, ganoon din po ng DPWH.
05:28Ang problema po sa ngayon ng mga magsasaka ay kung papaano makakapagtanim muli.
05:33Gayung ang kanilang ekta-ektaryang taniman ho ng palayan, ay natabunan po na naglalakihang mga troso na galing sa bundok.
05:42Ako pa rin po si Jasmine Gabriel Galvanan, GMA Regional TV at GMA Integrated News.
05:50Sinuspindi po muna ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board
05:54ang lahat ng biyahi ng Buspa Visayas at Bindanao bilang pag-iingat na rin sa Bagyong Pepito.
06:00Kasama po rin ang mga biyahe sa Paranaque Integrated Terminal Exchange o PITX
06:05kung saan stranded ang ilang pasahero.
06:08Bago kasi makarating sa Visayas at Bindanao,
06:11kakailanganin munang dumaan ng mga bus sa mga pantalan sa Southern Luzon at Bicol Region na inaasahang tutumbukin ng bagyo.
06:19Bukod po sa mga biyahing pa Visayas at Bindanao,
06:22cancelado rin ang mga biyahe ng PITX papuntang San Jose sa Mindoro,
06:27Masbatis City at The Rock sa Catanduanes.
06:36A crown fit for a queen, ang isusuot ng mananalo sa Miss Universe 2024.
06:44Yan ang Light of Infinity crown na proudly gawang Pinoy.
06:48Elegante ang design nito na puno ng diamonds at Philippine South Sea pearls.
06:54Hindi mapigilang ma-amaze ng Miss Universe candidates na maglalaban para rito.
06:59Ang pambato ng Pilipinas na si Chelsea Manalo,
07:02feeling fired up and determined siyang gawin ang kanyang best
07:06para maging kauna-unahang magsusuot ng Filipino crafted crown.
07:11Laban, Chelsea!
07:15Mga kapuso, katuwang po ng Asian Breast Center,
07:18ang GMA Network sa pagsulong ng breast cancer awareness.
07:23Mahigit 20 GMA employees ang lumahog sa isang seminar
07:27hosted by Sparkle artist Jennifer Maravilla.
07:30Ibinahagi sa kanila ang tungkol sa kahalagahan ng early detection ng sakit
07:35sa pamamagitan ng regular screening.
07:37Isa po ang breast cancer sa mga leading health concerns sa Pilipinas.
07:42Sumailalim ang ilan sa mga lumahog sa seminar
07:45sa painless breast screening technology na Thermalytics Procedure.
07:49Ito ay makabagong teknolohiya na layong digya ng accessible
07:53at advanced health services ang mga babae.
07:56Naniniwala ang Asian Breast Center na malaking ambag sa awareness
08:00ang kanilang expertise sa breast cancer care
08:03at ang platform ng GMA Network.
08:05Gaya ng pagtalakay sa breast cancer,
08:08sa episodes ng katatapos lang na GMA Afternoon Prime series
08:12na Abot Kamay na Pangarap.
08:19.
Comments