Nagpasalamat ang National Artist for Film and Broadcast Arts na si Ricky Lee sa lahat ng nakibahagi sa book launch ng kanyang mga nobelang "Kalahating Bahaghari" at "Kabilang Sa Mga Nawawala" na ginanap sa Manila International Book Fair nitong Sabado, Setyembre 14, 2024, sa SMX Convention Center, MOA Complex, Pasay City.
Ayon sa respetadong manunulat, nobelista, at scriptwriter, nang matapos na niya ang kanyang mga nobela ay nanatili siyang gising at buhay ang isipan kaya't naghanap siya ng iba pang magagawa.
Kaya tuloy ibinida niya sa lahat ang mga pinagkakaabalahan niya ngayon na kinabibilangan ng ilang proyekto sa pelikula, telebisyon, at entablado.
#KalahatingBahaghari #MeryllSoriano #pepgoesto
Video: Jerry Olea Edit: Rommel Llanes
Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/@pep_tv
Be the first to comment