00:00Bilib ang Bansang Taiwan sa talino ng mga Pilipino.
00:03Katunayan noong 2022, nagwagi sa kanilang Go Green Initiative
00:08ang ideya ng isang grupo ng mga gurong Pinoy kaugnay sa paglulunsad ng mobile classroom.
00:14Yan ang ulat ni Benji Durango.
00:21Hindi ito bagong anime show.
00:23Kampanya ito ng Bansang Taiwan sa Pilipinas para sa kanilang Go Green Initiative.
00:27Nais kasi makipag-partner ng Taiwan sa bansa para sa kanilang Go Green with Taiwan project
00:32na layong makakalap ng mga bagong ideya sa pangangalaga sa kalusugan
00:36na susuportahan naman ng teknolohiya mula sa Taiwan.
00:39Noong 2022, ideya ng mga Pilipinong guru ang napili
00:42kung kaya inulunsad sa bansa ang Taiwan Excellence Mobile Classroom Project.
00:46Ikinalat ng Taiwan ang mobile classrooms na may solar panels,
00:50computers, at learning materials sa remote areas sa buong bansa.
00:54Umaasa ang Taiwan at the Philippine Marketing Association
00:57na muling makuha ng bansa ang papremyo ngayong taon
01:00na nakatutok naman sa pangangalaga sa kalikasan.
01:02Nasa 20,000 dollars o katumbas ng 1.1 million pesos
01:06ang pwedeng mapanalunan ng pinakamaganda at sustainable na ideya.
01:10Hanggang August 31, 2024 ang submission ng winning ideas.
01:15It's not just a contest.
01:17And this is a real opportunity.
01:20Even you just bring up some ideas and we will assess the feasibility.
01:28Benji Durango para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.