00:00Sipag, tsaga, at diskarte, yan po ang naging sandigan ng minsang naging kargador at ngayon, magtapos bilang valediktoryan sa kursong abogasha.
00:11Kilalaanin natin siya sa pagtutok ni Mariz Umali.
00:18Angakalain mo ang karaniwang graduation picture lang ito ng isang nagtapos ng kolehyo.
00:24Pero sa likod pala, ng matamis ng ngiti, ang hindi birong sakripisyo ng 26 anos na si Jorenz Obiedo bago nagtapos ng abogasha nitong nakraang linggo.
00:35Bata pa lang ay nagtatrabaho na si Jorenz para maituloy ang pag-aaral at minsan pang naging kargador.
00:41Labindalawa kasi silang magkakapatid na kailangan buhayin ang tatay niyang construction worker at nanay na housewife.
00:49Yung tatay ko po sinama po ako na magbenta po ng dirty ice cream po.
00:54So yun po yung una kong trabaho.
00:56Mas mabigat pa po yung dinadala ko na styrobox kesa po sa bigat ko po.
01:01Nag-dishwasher po ako ng lugawan, tapos nagkargador din po ng softdrinks.
01:07Naging ano din po ako, boy po ako or helper ng hardware store.
01:11Sumasign din po ako sa papa ko na nagko-construction.
01:16Pero minsan wala na talaga silang panggastos.
01:19Wala siyang baon o walang makain pag-uwi.
01:22Tumigil na sa pag-aaral ang lahat ng kanyang kapatid.
01:25Pero si Jorenz, hindi.
01:27Ayokong maging part yung buhay ko ng cycle ng poverty.
01:32Ayoko rin pong maranasan po nung magiging anak ko yung naranasan ko po.
01:36Tuloy ang trabaho niya hanggang kolehyo.
01:39At nang nasa law school naman, nagtrabaho bilang stenographer si Jorenz.
01:44Ngayon, siya lang naman ang valediktorya ng kanyang batch sa University of Caloocan City College of Law.
01:50Oras na maging ganap na abogado,
01:52pangarap daw ni Jorenz na magtrabaho sa public attorney's office.
01:56Gusto ko rin pong makatulong sa ibang tao.
01:58Mga kagaya ko po na wala pong means na maka-access sa justice.
02:04Ang kwento ni Jorenz ay isa lamang sa maraming kwento ng inspirasyon ngayong graduation season
02:11na nagpapaalala sa atin na sa kabila ng hirap, ay patuloy na magpursige.
02:15Dahil hindi man kaagad ang resulta, ay darating at darating din ito.
02:19Huwag po natin i-accept na matitigil lang po yung buhay natin sa kahirapan.
02:24Para sa GMA Integrated News, Maryse Umali na Kututok, 24 Oras.
Comments