00:00 (News Report)
00:18 (Music)
00:20 (News Report)
00:22 (News Report)
00:24 (News Report)
00:26 (News Report)
00:28 (News Report)
00:30 warming.
00:31 Nito'ng abril pa lang, nahigitan na ang mga maximum daytime temperature ng mga nakaraang
00:35 strong El Nino events na na-record sa pitong weather station ang pag-asa.
00:40 Halimbawa, 38.8 degrees sa Naiapasay noong Sabado, April 27, higit na sa 37.8 degrees
00:47 noong April 23, 1948.
00:49 Sa Kasinguran Aurora, 38.1 degrees noong April 24, 2024, higit na sa 36.8 degrees noong April
00:57 30, 1988.
00:58 Nahigitan na rin ang pinaka-mainit na naitalang temperatura sa Metro Manila sa buwan ng abril,
01:04 38.8 degrees sa Naiapasay noong Sabado, April 27, higit na sa 38 degrees na pinaka-mainit
01:10 na temperatura na itala sa Port Area Manila noong April 13, 1915.
01:15 Kaya sabi ng pag-asa, kung hindi nakapaghanda, may tuturing na worst El Nino ang nararamdaman
01:20 ngayon.
01:21 Inaasahang iinit pa nitong buwan ng Mayo.
01:24 "Kasi kung historically nakikita natin yung mga maiinit na temperatura na iitala during
01:30 strong El Nino episode and then nabe-breach pa or nasusurpass pa yung mga temperatura during
01:38 that strong El Nino episode, so meaning medyo pataas ng pataas talaga yung ating temperatura.
01:44 So eto na rin yung contribution dun sa global warming."
01:48 Indikasyon daw ito ayon sa isang environmental group na bumibilis ang pag-init ng mundo.
01:53 Environmental boiling na nga kung tawagin ito ng United Nations.
01:56 Hindi lang delikado sa kalusugan, kundi sa iinuming tubig at kakainin ng tao.
02:00 "Kami nanawagan na magdeklara ng National Climate Emergency.
02:04 Importante din dun na may corresponding na pondo at allocation.
02:10 Kasi hindi uubra dito yung ayuda lang."
02:13 Sa ngayon, 7 probinsya at higit 100 munisipyo at syudad na ang nagdeklara ng State of Calamity.
02:18 Mahigit 4 bilyong piso na ang halaga ng pinsala sa agrikultura.
02:22 May mga lugar na rin nagkukulang na sa tubig tulad sa Zamboanga City.
02:26 Magkakaroon lang daw ng sapat na tubig ulan sa Agosto.
02:29 "May, June, July, di pa po sapat yung pag-ulan.
02:34 That is why our drought condition is extended."
02:37 May epekto yan di lang sa agrikultura, kundi pati sa supply ng tubig at kuryente.
02:41 Sabi ng DENR para maiwasan ng water service interruption pagbabawalan na ng DENR,
02:47 ang maaksayang paggamit ng tubig tulad ng pagdilig at paglinis ng kotse gamit ang hose.
02:52 "We need to practice ito dahil base sa projections ng pag-asa,
02:57 at least 2 months of drought conditions pa yung ating kailangan malagpasa no?
03:04 Itong May at June.
03:05 Kaya kahit sapat pa yung ating tubig, magpapractice na tayo ng conservation."
03:10 Habang tumitindi ang init, may DIY tips ang Department of Health.
03:14 Ang mga extra na spray bottle, lagyan ng tubig at ispray sa mukha at batok para makapagpalamig.
03:20 Sa halip namang bumili ng sports drink, lagyan ng isang kurot ng asin ng isang baso ng tubig.
03:25 Maglagay rin daw ng basang bimpo sa ulo o kilikili.
03:28 Pero hindi daw niya inire-recommenda ang madalas na pagrigo sa isang araw.
03:32 "Kasi pag nirecommend ko mag-shower ka 3 times a day during the heat,
03:36 maubos naman yung tubig para sa tubigan.
03:39 Drought na nga.
03:39 Pagkatapos, mawala tayong pagkain.
03:42 So ang payo ko talaga is also conserve water."
03:46 Para sa GMA Integrated News, Mackie Polido, 24 Oras.
03:50 -------
Comments