Unang Balita sa Unang Hirit: FEBRUARY 20, 2024 [HD]

  • 3 months ago
Narito ang mga balitang ating tinutukan ngayong TUESDAY, FEBRUARY 20, 2024
• Patubig sa ilang lugar sa Central Luzon, kinakapos na dahil sa pagbaba ng antas ng tubig sa pantabangan reservoir | Ilang pananim sa Negros Occidental, nangamatay na dahil kapos sa supply ng tubig | Manual transplanting at solar-powered irrigation systems, isinasagawa sa Iloilo City | Mga residente sa Zamboanga City, nag-iigib na lang ng tubig mula sa deep well
• Panukalang P100 minimum wage hike sa pribadong sektor, aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado - panayam kay DOLE Sec. Bienvenido Laguesma
• Lampas P1 na taas-presyo sa mga produktong petrolyo, epektibo na ngayong araw | Ilang motorista, kaniya-kaniyang diskarte sa gitna ng panibagong oil price hike
• Mga batang estudyante, maagang ipinarehistro para sa S.Y. 2024-2025 | DepEd Western Visayas: mahigit 180,000 na ang early registrants sa rehiyon
• Vtrsil - resolution of both houses seven o rbh7 na layong amyendahan ang economic provisions ng konstitusyon, inihain sa kamara
• Pastor Quiboloy, inaakusahang nanakit ng ilang miyembro ng Kingdom of Jesus Christ | FPRRD at VP Sara Duterte, bumisita noon kay Pastor Quiboloy, ayon sa dating miyembro ng Kingdom of Jesus Christ | Isa pang ex-member ng KOJC, pinagbantaan umano matapos tumestigo sa Senado | Ilang trabahador ng SMNI, hindi umano pinapasahod, ayon sa isa pang testigo | Abogadong miyembro ng KOJC: mga volunteer at hindi empleyado ang "Miracle workers" ng KOJC | Senado at Kamara, parehong naglabas ng subpoena para kay Pastor Quiboloy
• Mga manggagawa, kaniya-kaniyang diskarte para pagkasyahin ang sahod | Panukalang P100 minimum wage hike sa pribadong sektor, aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa senado | Ilang eksperto, nangangambang mas tataas ang mga bayarin o lubhang maapektuhan ng wage hike ang SMeS
• Alden Richards, kinilala bilang "Asia's exemplary Actor of the Year" sa Asia's influential leader awards
• Benilde Blazers at San Beda Red Lions, wagi sa unang araw ng NCAA season 99 Men's football tournament
• Pacquiao, tanggap ang desisyon ng International Olympic Committee na hindi siya puwedeng maglaro sa Paris 2024 Olympics

Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).

For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Recommended