00:00 Update po tayo sa pagbasa ilang bagay ng Kalasyao, Pangasinan sa ulat on the spot
00:04 ni Joanne Punsoy ng GMA Regional TV 1 North Central Luzon.
00:08 Joanne?
00:11 Rafi, bagyang ang tumilang ulan dito sa barangay Talibao, Kalasyao, Pangasinan
00:18 pero nangangamba ang mga residente na baka tumaas pa itong antas ng baha
00:21 dahil na rin sa patuloy pa ring ulan na nararanasan dito sa provinsya.
00:25 Samantala, nabisita rin natin ang isang eskwelahan na lubog sa baha.
00:29 Mabuti na lamang at nakabakasyon ang mga learner.
00:32 Dito ang bubungad sa Talibao Elementary School sa Kalasyao, Pangasinan.
00:38 Lubog sa baha ang school canteen.
00:40 Sa lalim ng baha, nilamon din ito ang gulayan sa paaralan.
00:43 Itong kanilang grounds sa dating parking area at the same time na dadaanan
00:47 ng mga mag-aaral at mga guru, ngayon hanggang hita.
00:51 Ito nga ang bahanan na experience.
00:53 One week na rao na nararanasan itong baha dito sa lugar
00:56 at kung tutusin nga ay humupa na rao ang baha.
00:59 Kaya naman panalangin nga na mga guru at mga learner
01:02 sanay huwag na rao bumuhus pa itong pagulan
01:04 nang sa ganun nga ay mabilis na magsubside ang baha.
01:07 Abala sa paglilinis ng classroom ang grade 1 teacher na si Dulce.
01:11 Naitaas naman daw lahat ng gamit kaya walang nalubog sa baha.
01:14 "Ang rasut ma'am kasi mayroon pang nilulusutan ng tubig ma'am.
01:18 Mayroon pang hindi pa nadiki.
01:22 Lulayang areas yun."
01:23 Daluwang taon na ang nakalipas na ipatayo ang bagong gusali ng paaralan.
01:27 Halos lampas tao pa rin ang baha sa ilang bahagi ng barangay Talibao.
01:32 Lubog pa rin sa bahang ilang bahay.
01:34 Hindi na lumikas ang ilang residente at piniling manatili
01:37 sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.
01:39 Bankat balsa ang ginagamit ng mga residente.
01:41 "Anggang nga dibdib pa po yung tubig po namin dito.
01:45 Hindi pa po ma'am.
01:47 Dahil po yung mga halagang ayok po, yung mga sagamitan na niwasang nalubog sa baha."
01:55 May improvised na balsang ginawang mga residente mula sa trunk o puno ng saging.
01:59 Sa tuwing may baha sa bakuran, ang ginagawangan ng karamihan,
02:03 gumawangan ng tungtungan na gawa sa kawayan.
02:05 Nang sa ganun, meron silang madaanan papasok sa bahay.
02:08 Pero isa raw talaga sa ginagawang diskarte ng mga residente
02:11 kapag hindi na nagagamit ang pinto,
02:13 ang baklasin ang salamin ng bintana upang doon pumasok ng bahay.
02:18 "Sanay na rin po kami na pumasok dyan sa bintana.
02:20 Kapag wala ng tubig, ibalik ko na."
02:25 Namahagi ng relief goods ang lokal na pamahalaan sa ilang barangay sa Dagupan City
02:30 na apektado ng malawakang pagbaha.
02:32 Isinabay na rin ng City Health Office ang medical mission at pamamahagi ng gamot sa mga evacuee.
02:37 "Ang ginagawa namin ngayon, sumasabay kami sa relief distribution,
02:42 nagbibigay kami ng doxycycline para sa leptospirosis."
02:47 Sa People's Astrodome, nasa 35 pamilya ang hindi pa makauwi dahil sa baha.
02:52 Sa barangay Bakayausur naman,
02:54 nakasuot ng bota kahit sa loob ng bahay si Aling Filipina dahil sa malalim na baha.
02:59 "Ito po baha malalim, matagal na po itong baha.
03:02 Problemang malaki kasi hindi mo alam kung saan kakukuha ng kwan,
03:07 mga gamit-gamit pag bumaha."
03:10 Nagsagawa ng malawakang declogging operation ng LGU sa mga drainage system sa lungsod sa gitna ng pagbaha.
03:16 Mga naipong basura sa drainage ang nakita sa mga drainage canal.
03:20 Kailangan daw itong malinis para mabilis ang paghupa ng baha.
03:24 Samantala, Rafi, kaugnay naman sa sitwasyon dito sa ating kinaroroonan sa barangay Talibao, Calacio, Pangasinan.
03:33 Mas tumaas nga itong antas ng baha dito sa lugar.
03:36 Matapos nga maranasan ng pagulan, simula pa kagabi hanggang kaninang madaling araw at hanggang ngayong araw.
03:42 At mas tumaas din itong antas ng baha sa may kalsada, kaya naman pahirapan sa maresidente at motorista ang pagdaan dito.
03:48 Mabuti na lamang at meron mga bangka at balsa na ginagamit ang maresidente.
03:52 Kabilang nga ang bayan ng Calacio sa mga nagdeklara na ng state of calamity dito sa provinsya ng Pangasinan.
03:57 Kasama dyan ang mga bayan ng Mataram, Mangaldan, Santa Barbara, Binmalay at Lungsod ng Dagupan.
04:04 Nasa 35 families pa, katumbas nga ng 78 individuals, ang nasa evacuation center dito sa bayan ng Calacio.
04:11 Nasa 15 barangay din ang lubog pa sa baha.
04:14 Sementara, nasa critical level pa rin ang Marusay River dito sa bayan ng Calacio na nasa 9.4 feet above normal level.
04:22 Rafi?
04:23 Maraming salamat, Joanne Ponsoy ng GMA Regional TV 1 North Central Luzon.
04:29 [music]
04:36 Shoutout sa mga kapitbahay!
04:38 Naku, makakapagpatuyo na nga ba tayo ngayong weekend na mga sinampay natin?
04:42 Alamin na po natin ang lagay ng panahon mula sa GMA Integrated News Weather Center, kasama siyempre si Katrina Son.
04:48 Katrina?
04:50 Salamat, Connie! Mga kapuso, gaya nitong July, dalawa o kayay tatlong bagyo ang posibling mamuo o pumasok sa ating Philippine Area of Responsibility ngayong August.
05:02 Base sa datos ng pag-asa, hindi na lalayo.
05:06 Sa naging track ng mga nagdaang bagyong egay at falcon ang magiging galaw ng mga susunod na bagyo.
05:12 May posibilidad itong tumama o maglandfall sa northern Luzon kung hindi man pwede pa rin itong palakasin ang habagat at magdala ng maraming ulan.
05:22 Sa ngayon, walang nagbabantang bagong bagyo sa bansa, mga kapuso ha, pero patuloy na umiiral ang habagat sa Luzon dahil sa efekto ng bagyong falcon na kasalukuyang nasa East China Sea.
05:35 Pinapayuhang huwag muna ang pumalaot ang maliliit na sasakyang pandagat sa northern coast ng Ilocos Norte at kagayan kasama ang Babuyan Islands dahil sa banta ng mataas na alon.
05:46 Magiging maalon din sa mga dagat na sakop ng batanis.
05:50 Sa mga susunod na oras, asahan ng pag-uulan sa ilang bahagi ng Ilocos Region, Cordillera, Central Luzon, Calabar Zone at Mimaropa Region.
05:59 Uulanin din ng ilang panig ng Visayas at Mindanao base sa rainfall forecast ng Metro Weather.
06:06 Bukas at sa linggo, uulanin muli ang mga nasabing lugar. Malaking bahagi ng bansa ang makakaasa sa maayos na panahon at mababang tsansa ng ulan.
06:16 Higit na mataas ang tsansa bukas ng maulap na kalangitan na may kasamang pag-ulan sa Lawag at Bagyo City.
06:23 Mas makakaranas ng maaliwalas na panahon ang Tagaytay, Iloilo, Cebu at Davao City pero posible pa rin ang mga biglaang ulan o thunderstorm ayon yan sa pag-asa.
06:34 Magiging maayos din ang lagay ng panahon dito sa Metro Manila ngayong araw.
06:39 Asahan ng magpapatuloyan hanggang sa darating na weekend maliban sa pag-ulan sa ilang panig ng Quezon City at Marikina bandang tanghali bukas base sa rainfall forecast ng Metro Weather.
06:51 Mga Kapuso, nagbawas na ng mga nakabukas na gate ang Ambuklao at Binga Reservoir. Tig-tatlong gates ang nagpapakawala ngayon ng tubig sa mga nasabing water reservoir.
07:01 Parehong bumaba ang water level sa Ambuklao at Binga Reservoir ngayong araw.
07:06 Bumaba rin ang antas ng tubig sa nakalipas na 24 oras sa Ipo, Lamesa, Kaliraya Reservoir. Sarado na ang lahat ng gates ng Ipo.
07:15 Tumaas naman ang water level ngayong araw sa Anggat, San Roque, Pantabangan at Magat Reservoir.
07:23 [Newscast]
07:43 [Outro music]
Comments