Mapapanood na ang online musical series na 'Still' sa GMA

  • 10 months ago
Mapapanood na ngayong August 7 ang online musical series na babago sa pananaw ng mga manonood, ang 'Still.'

Nang magsimula ang lockdown dahil sa pandemic, tumigil naman ang buhay ng ilang campers ng Daloy Himig Music Camp. At sa pakikipagsapalaran ng mga campers at mentors sa buhay nilang nakahinto, bagong pagkakaibigan ang uusbong kasabay ng musika.

Samahan sina Laura (Julie Anne San Jose), Sab (Gab Pangilinan), Iggy (Mike Shimamoto), Tugs (Abu Autea), Leigh (Lance Reblando), Debbie (Gabby Padilla), Nikolas (Christian Bautista), at Annette (Bituin Escalante) sa pagharap sa bagong karanasan nila ng magkasama.

Mahanap kaya nila ang musikang isinisigaw ng mga puso nila?

Abangan sa musical series na 'Still,' August 7, sa GMA.

Recommended