9 na minero sa DR Congo, nakaligtas sa pagkakabaon | GMA News Feed

  • last year
Ligtas na nakalabas sa gumuhong minahan ang 9 na minerong na-trap sa loob nito sa Democratic Republic of Congo.

Sa isang viral video, makikita ang isang lalaki na gumagawa ng butas sa isang bahagi ng minahan habang patuloy na gumuguho ang itaas na bahagi nito. Maya-maya pa ay isa-isang nagtalunan palabas sa butas ang mga minerong na-trap.

Hindi na raw bago ang aksidenteng kagaya nito sa mga minahan sa Congo, at ang madalas na dahilan umano ay kawalan ng safety procedures at maayos na kagamitan. Silipin ang video.

Recommended