Fight Analysis: LUMINDOL sa OSAKA! Melvin Jerusalem, INUTAKAN si Masataka Taniguchi! Unang Pinoy World Champ ng 2023!

  • last year
BINILANG ang GALAW! Matalinong kalkulasyon ni Melvin Jerusalem sa MOVES ni Masataka Taniguchi! Pinoy Champ, ala-NAOYA INOUE ang knockout punch!

January 6 unang biyernes ng taong 2023, napawi ang pagkauhaw ng sambayang pilipinas sa boxing world champion ng sungkitin ni Melvin Jerusalem ang WBO Minimumweight crown na pinka-iingatan ni Masataka Taniguchi.

Minaliit ng mga sports bookies ang ating kababayan mula Bukidnon na binigyan lamang ng 17% tyansa para manalo.

Hindi nila alam na napakataas pla ng IQ ni Melvin Jerusalem sa laban.

Eto ang patunay, tara at I break down natin ang laban.

Round 1 – touch gloves, ayaw ni Taniguchi.

First 30 seconds, pinapakiramdaman muna ni Jerusalem ang istilo ng Japanese champion.

Tumama ang left straight ni Taniguchi,
Dito natin makikita ang matinding timing ng ating kababayan.
Naksaingit ng isang jab at nakailag sa suntok ni Taniguchi.
Pansinin natin ang atake ng hapon, double-half step forward sabay bato ng left cross.

Nabasa ni Jerusalem ang galaw na ito kaya nakailag siya.
Inulit pa ni Taniguch ang parehas na atake, this time nag counter si Melvin sa bodega ng kalaban.
Pressure attack ni Taniguchi, inabot ng kaliwa ang ating kababayan.

Bumawi si Melvin ng magpalusot ng left jab, sasagot pa ng uppercut si Taniguchi kaso nasikwat muli ni Melvin ng left hook.

Final seconds, tumama ang body shot ni Taniguchi to steal the round.


Ngayon, isa-isahin natin ang mga naging habits ni Taniguchi sa unang round.

Naging paborito nya ang double half step feint then left cross. Kita din ang dipping feint ng kampeon.

Ang mga datos na ito ay agad na nakalap ni Melvin.




Round 2 – naging maliksi si Melvin dahil sa nabuong game plan kung paano babaragin si Taniguchi.

Jumping in and out at umiikot papunta sa kanan ng kampeon.

Naging kumpyansa masyado si Taniguchi exposing ang kanyang habit move na tinaymingan ni Melvin.

Parang isang ritmo na binilang ni Jerusalem ang galaw ni Taniguchi,
Feint 1, 2, Feint 1,2, Feint 1,2, Feint 1, 2 – Boom.

Dahil sa kumyansa, hindi napansin ni Taniguchi na basang-basa na pala ni Jerusalem ang kanyang galaw.



Ulitin natin sa slow motion.


Dahil ayaw mapahiya sa sariling hometown, agad na bumangon si Taniguchi

kaso sa lakas ng suntok ni Jerusalem, lumambot ng todo ang bulalo ni Masataka sa tuhod.

Kayat inihinto na ng referee ang laban.



Naikumpara ko nga ang one-two ni Melvin sa one-two ni Naoya Inoue kontra kay Payano.

Eto ang side by side comparison ng suntok.


And with that victory, sa wakas, nadiligan din ang pagkatuyot ng mga pinoy boxing fans sa isang world champion.


At eto ang mensahe sa inyo ni current WBO World Minimuweight champion Melvin Jerusalem.


Maraming salamat sa inyo panonood at God bless

#sportsmanda #melvinjerusalem #wbochamp

Recommended