Fuel subsidy sa mga tsuper | The Mangahas Interviews

  • 2 years ago
Sa gitna ng sunud-sunod na pagtaas ng presyo ng petrolyo, naglaan ng P6,500 na fuel subsidy kada tsuper ang gobyerno para sa public transport. Pero ang mga jeepney driver, ipinapanukalang suspendihin na lamang ang excise tax sa petrolyo.

Maliban kasi sa mas malaki ang maitutulong nito, may mga kaakibat na problema ang pagkuha sa ayuda. Pinangangambahan pang magamit ito sa pulitika dahil sa nalalapit na eleksyon.

Ang mga isyu ukol sa bigayan ng fuel subsidy at epekto sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo, alamin sa panayam na ito kay PISTON National President Modesto Floranda ng The Mangahas Interviews.

Recommended