Kilalanin: Kai Sotto, the next Pinoy Pride?
  • 4 years ago
Sa tangkad na 7-foot-2 at sa edad na 18, malaki ang potensiyal ng dating Ateneo Blue Eaglet na si Kai Sotto na maging susunod na Pinoy Pride.

Kakapirma lang ni Kai ng one-year development program sa NBA G League, ang minor league basketball organization ng NBA o National Basketball Association.

Ang NBA ang premiere basketball league ng Estados Unidos.

Sa NBA G League, mahahasa nang husto si Kai sa paglalaro ng basketball.

Makakasama niya sa isang select team ang U.S. top-high school basketball prospects na sina Jalen Green, Daishen Nix, at Isaiah Todd.

Sa kanyang social media accounts nitong Huwebes, May 21, in-announce ni Kai ang pagpirma niya sa NBA G League.

Aniya pa sa kanyang announcement, ang pagpirma sa G League ay ang daan tungo sa kanyang minimithing pangarap: ang makalaro sa professional league ng NBA.

Anak ng dating Philippine Basketball Association (PBA) player na si Ervin Sotto, si Kai ay nagsimulang gumawa ng sariling pangalan sa basketball nung 2018.

Ipinanalo ni Kai sa finals ng 2018 University Athletic Association of the Philippines Basketball Championship junior division ang team niang Ateneo de Manila High School Blue Eaglets.

Ginawaran pa siya ng Most Valuable Player (MVP) award nung taong iyon at naging MVP uli nung sumunod na taon.

Naging bahagi rin si Kai sa Philippine team na naglaro sa FIBA U-17 World Cup nung 2018 at sa FIBA U-19 World Cup nung nakaraang taon.

Kinilala ring All-Star at MVP ng Jr. NBA Philippine program nung 2016 si Kai.

Siya ang unang Jr. NBA Philippines participant na nakapirma sa NBA G League at unang international player na pumirma rito.

#kaisotto #nbagleague #nba

Video Producer: John Henri Mariano

Subscribe to our YouTube channel! http://bit.ly/PEPYouTubeChannel

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!

Like PEP.ph on Facebook! https://www.facebook.com/PEPalerts

Follow PEP.ph on Twitter! https://twitter.com/pepalerts

Join us on Viber. Download our Emotera Viber sticker pack: https://vb.me/peponviber_ph
Recommended